Gerald Anderson, nag-sailing trip kasama ang girlfriend na si Julia Barretto at ilan sa mga ka-pamilya ni Julia

Muli ay nagpunta sa isang sailing trip ang celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto!

Credit: Gerald Anderson YouTube

Busy man sa trabaho ay hindi pa rin nakakalimutan ng magkasintahan na maglaan ng oras para sa isa’t-isa. Nito lamang nakaraang linggo nang napagdesisyunan nina Gerald at Julia na magpunta ulit sa isang sailing trip kasama ang Mommy na si Marjorie at nakababatang kapatid na si Erich.

Credit: Gerald Anderson YouTube

Sa bagong vlog na ibinahagi ni Gerald sa YouTube ay makikita kung anu-ano ang mga ginawa nila noong sila’y nagkaroon ng sailing trip sa Subic Bay. Sa video ay makikitang talagang nag-enjoy ang couple sa paghuhuli ng isda habang nasa kalagitnaan ng kanilang trip.

Credit: Gerald Anderson YouTube

“We’re going to be sailing the high seas of Subic Bay. The not-so-high seas. The weather’s not so good pero, okay na rin kasi mahangin,” sabi ng aktor nang simulan ang pagva-vlog.

Credit: Gerald Anderson YouTube

Hindi naman pinalagpas ng mga netizens ang mga sweet moments nina Gerald at Julia lalo na’t sobrang bagay nila sa isa’t isa. Inulan ng kilig ang comment section ng video sa YouTube nang hinalikan ni Gerald sa pisngi ang girlfriend.

Naka-bonding din ng aktor ang nakababatang kapatid ni Julia na si Erich. Hindi naman maipagkakaila na sobrang galing ni Gerald pagdating sa mga bata. Napansin din ng netizens ang komportableng pakikipag-kumbersasyon ng aktor sa Mommy ni Julia na si Marjorie. Halata naman na sobrang close at komportable na si Gerald sa pamilya ni Julia na siyang ikinasaya ng mga manonood.

Credit: Gerald Anderson YouTube

Nagpunta rin sila sa malapit na isla kung saan nakapag-swimming at nakapag-kayak ang lahat. Kasama rin sa trip ang iilang aktor na naging kaibigan rin ni Gerald sa set ng “Init Sa Magdamag” na isang teleserye na kanyang pinagbibidahan ngayon.

Bago matapos ang vlog ay nagkaroon din ng mini-tour si Julia sa kanilang sinasakyang boat na ayon sa kanya ay ang parehong boat na ginamit nila nang nag-sailing trip sila noong nakaraang Abril.

Credit: Gerald Anderson YouTube

Naging masaya naman ang kanilang buong trip noong linggo lalo na’t kasama ng celebrity couple ang pamilya ni Julia at iilang kaibigan ni Gerald.

Credit: Gerald Anderson YouTube

Pinatunayan nga nina Gerald at Julia na nananatili silang masaya at in love sa isa’t isa sa gitna ng lahat na mga batikos na ibinabato sa kanilang naging relasyon.