Gerald Anderson, niregaluhan ang kanyang personal assistant ng pangarap nitong motorsiklo

Bagama’t marami man tayong naririnig na mga nakakalungkot na kuwento tungkol sa mga taong minamaltrato ng kanilang amo, mayroon namang iba na masuwerteng naninilbihan sa mabubuting mga tao katulad na lamang ni Jalal Laidan na siyang personal assistant ni Gerald Anderson.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Simula nang pinasok ang mundo ng showbiz, talagang sumikat ang pangalan ni Gerald Anderson. Maliban sa kanyang kagwapuhan at pagiging charming, kinabibiliban din ang kanyang talento sa pag-arte kaya naman talagang sunod-sunod ang mga proyekto at opportunities na natatanggap niya.

Unang nakilala si Gerald sa PBB at kahit noong nasa loob pa siya ng bahay ni Kuya, masasabi talaga na isa siyang mabuting tao hindi lamang sa harap ng kamera kung hindi ay sa totoong buhay din at kumakailan lamang nang muli na naman natin itong natunghayan.

Maliban sa pagiging mahusay na aktor, isa rin palang mabait at sincere na amo si Gerald dahil sa pagsapit ng kaarawan ng kanyang PA na si Jalal Laidan, may hinandang bonggang regalo ang aktor.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ni Gerald ang maikling video kung saan makikita ang pagsurpresa niya sa kanyang PA.

“Birthday ng anak ng Sultan na si Jalal tapos ngayon, isu-surprise natin siya with a motorcyle. Matagal na niyang pangarap ‘yan kaya pagbibigyan natin siya,” sabi ng aktor sa unang bahagi ng kanyang video.

Nang nakita ang bago at magarang motorsiklo, hindi napigilan ni Jalal na tumalon sa saya at ilang ulit na niyakap si Gerald. At dahil matagal na itong pinapangarap ng kanyang PA, excited na sinubukan ni Jalal na patakbuhin ang motorsiklo.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Sa naramdaman niyang tuwa, ipinahayag ni Jalal ang kanyang pasasalamat sa Instagram kung saan ay nagbahagi siya ng larawan niya habang nakasakay sa regalong motor mula kay Gerald.

“Marami salamat sa lahat po! Dream come true! 🥹❤️ thank you so much my boss my brother! @andersongeraldjr ❤️❤️❤️,” sulat ni Jalal sa kanyang caption.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Dahil sa bonggang surpresa at regalo ni Gerald, talagang mas naging special pa para sa kanyang PA na si Jalal ang mismong kaarawan nito.

Credit: @andersongeraldjr Instagram

Talagang pinatunayan ni Gerald Anderson na happy ang employees kapag mayroong mabuting amo.