Gian Sotto, naluha nang masilayan muling naglalakad sa aisle ang asawang si Joy Sotto sa araw ng kanilang renewal of vows!

Inspirasyon ngayon para sa marami ang mag-asawang sina Quezon City vice mayor Gian Sotto at ang kanyang napakagandang asawa na si Joy Sotto. Sinusundan ng netizens ang pagsasama nina Gian at Joy sa social media dahil sa napakagandang kwento ng kanilang pagmamahalan na nakasentro sa kanilang pananampalataya sa Panginoon.

Credit: @giansotto Instagram

Aminado naman sina Gian at Joy na hindi perpekto ang kanilang pagsasama ngunit puno naman daw ito ng pagmamahal kasama ang mga naggwagwapuhan nilang mga anak at at ang kanilang napakagandang unica hija.

Bilang isang mister, hinahangaan naman ng marami si Gian dahil sa kanyang ipinapakitang pagmamahal kay Joy. Kahit kasi ilang taon na ang lumipas mula noong sila’y maikasal, nanatili pa ring in love na in love si Gian kay Joy.

Sa katunayan, sinorpresa ni Gian ang kanyang asawa sa kanilang wedding anniversary noong nakaraang Nobyembre kung saan isang napakagandang renewal of vows ceremony ang kanyang inihanda.

Credit: @giansotto Instagram

Naantig naman ang netizens dahil sa naging reaksyon ni Gian habang naglalakad sa aisle si Joy. Sa mga larawang kanyang ibinahagi sa Instagram, makikitang naging emosyonal si Gian habang naghihintay sa altar kasama ang kanilang mga anak.

Habang kapansin-pansin naman ang mala-dyosang ganda ni Joy suot ang isang simple ngunit eleganteng wedding dress.

Credit: @giansotto Instagram

Sa caption, ibinunyag ni Gian na tila nag-slow motion ang lahat nang masilayan niya si Joy. Aniya, para umanong bumalik sila sa araw ng kanilang kasal. Para naman kay Gian, mas lalo pang gumanda si Joy sa kanyang paningin sa pangalawang beses na sila ay manunumpa sa harap ng Panginoon bilang mag-asawa.

Ani Gian, “The photo says it all, Babe! This is the look on my face during our Renewal of Vows when I saw you enter! It was like seeing you for the first time… only a zillion times better! You looked Heavenly Babe!”

“Tingin ko slow motion lahat, while you were floating in your beautiful dress, on a perfectly Blessed and Beautiful Day! It was more than I could ever have imagined it would be!” dagdag niya.

Kwento naman ni Gian, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at sa sobrang saya kaya umano agad niyang nahalikan si Joy kahit hindi pa oras para sa, “you may kiss the bride.”

Credit: @giansotto Instagram

Aniya, “I couldn’t take it all in kaya bumigay ako! Na-carried away ako, nauna pa tuloy yung kiss!”

Sa huli, nagpasalamat naman si Gian sa Panginoon para sa panibagong simula na ipinagkaloob Nito sa kanilang mag-asawa.

Saad niya, “I love you so much, Babe! I thank God every day for this new beginning in our life! @joywsotto #Forever #MyLove #SOTTOgether #RenewalOfVows”

Lingid sa kaalaman ng lahat, si Gian ay anak ng beteranang aktres na si Helen Gamboa at senator-host Tito Sotto.