Gigi de Lana, bumuhos ang luha matapos ikwento ang kanyang pinaka-latest heartbreak

Tuloy-tuloy na talaga ang tinatamasang tagumpay ng singing sensation na si Gigi de Lana sa larangan ng musika.

Credit: @gigidelanaofficial Instagram

Kamakailan lang, naging matagumpay ang launching ng debut single ni Gigi na pinamagatang “Sakalam” kung saan kasama niya ang kanyang mga kabanda o ang Gigi Vibes Band na binubuo nina Romeo Marquez, Jon Cruz, LA Arquero at Jake Manalo.

Sa ginanap naman na online presscon para sa launching ng kanyang first single, hindi mapigilan ni Gigi na maging emosyonal matapos mapadpad sa usaping “heartbreak” ang kanilang panayam.

Madalas nga naman na tungkol sa pag-ibig ang mga kantang kinakanta ni Gigi kaya’t marami ang curious kung kailan siya unang nakaranas ng kabiguan sa pag-ibig.

Credit: @gigidelanaofficial Instagram

Bagaman hindi sinagot ng deretsahan ni Gigi ang nasabing katanungan sapagkat naniniwala siya na hindi mahalaga na balikan ang nakaraan dahil mas mahalaga aniya, ang kasalukuyan. Ibinahagi naman niya sa marami ang kanyang pinaka-recent na naranasang heartbreak.

Mangiyak-ngiyak na nagkwento si Gigi tungkol sa s@kit na dulot ng kanyang recent heartbreak kung saan may hindi pagkakaunawaan umano sila ng kanyang nobyong si Erwin Lacsa ng Tritone Studios.

Inamin ni Gigi na siya ang dahilan ng tampuhan nila ng kanyang nobyo. Paglalahad pa niya, nitong mga nakaraang araw ay masyado siyang naging emosyonal. Iginiit naman niyang hindi nauwi sa hiwalayan ang naging tampuhan nila ng kanyang nobyo.

Credit: @gigidelanaofficial Instagram

“Heartbreak na nangyari sa akin recently was kanina (lang). Pero hindi nag-ano ah, hindi (naghiwalay). (Kami) pa rin. Ha-hahaha! Actually, ako na ‘yung ano dito (mali),” ani Gigi

Paliwanag niya, “Kasi recently masyado akong emosyonal, alam mo ‘yung may tendency kasi tayong mga girls na mabilis uminit ang ulo minsan hindi natin mapakalma ‘yung sarili natin. Tapos pag lalambingin tayo lumalayo ka. Ha-hahaha! Di ba gusto mo lalambingin ka niya (boyfriend) tapos lalayo ka, masakit pala ‘yun sa kanila.”

Ayon pa kay Gigi, nasaktan siya dahil lumabas na siya ang dahilan kung bakit umano nagbago ang kanyang nobyo.

“So, sinabi niya sa akin kanina na nagbago siya kapag inulit-ulit mo pala ‘yung isang bagay ma-apply pala niya ‘yun sa sarili niya na, ‘okay paulit-ulit,” kwento ni Gigi.

Credit: @gigidelanaofficial Instagram

“So, umiyak ako kanina, it’s really hard na ako ang nakapagpabago sa kanya na ayoko namang magbago, so alam mo ‘yun? Naiyak tuloy. Masakit kasi ikaw ‘yung reason bakit siya nagbago, ‘yun lang,” dagdag ni Gigi bago tuluyang bumuhos ang kanyang mga luha.

Samantala, lingid sa kaalaman ng karamihan, isa si Erwin sa mga sumulat ng debut single ni Gigi kasama si Romeo. Mapapanood naman ang music video ng “Sakalam” sa ilalim ng direksyon ni Chad Vidanes sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music.

Credit: @gigidelanaofficial Instagram

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 350K ang nakuhang views ng nasabing music video mula nang mag-premiere ito noong October 11.