Ilang araw na lamang ay Pasko na at talagang feel na feel na ng maraming Pinoy ang diwa ng Pasko.
Christmas is in the air na nga at isa sa mga nakagawian na natin tuwing sasapit ang ‘Ber Months’ ay ang pagdisenyo ng ating Christmas Tree.
Credit: @chinitaprincess Instagram
Hindi naman magpapahuli ang mga sinusubaybayan nating mga artista pagdating sa paggawa ng Christmas tree. Katulad na lamang ng aktres at “It’s Showtime” host na si Kim Chiu na kamakailan lamang ay ibinida ang kanyang ginawang Christmas tree.
Patok na patok sa maraming netizens ang ginawang Christmas tree ni Kim na ipinasilip niya sa kanyang Instagram account.
Kwento pa ni Kim, siya mismo ang nagdisenyo ng kanyang Christmas tree na may taas na 12 talampakan!
Credit: @chinitaprincess Instagram
Lingid sa kaalaman ng marami, taon-taon na nagdidisenyo ng sarili niyang Christmas tree si Kim. At para sa taong ito, white Christmas naman ang napili niyang tema para sa disenyo ng kanyang Christmas tree na tinawag niyang “Tree of Hope.”
Ani Kim, “2021 CHRISTMAS TREE REVEAL! designed my own 12ft tree and I call it my Tree of Hope!!!”
Mapapanood din sa kanyang YouTube vlog ang behind-the-scenes o proseso ng paggawa ni Kim sa kanyang napakagandang Christmas tree.
Credit: @chinitaprincess Instagram
Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay ipinaliwanag ni Kim sa kanyang subscribers ang malalim na kahulugan ng kulay ng kanyang Christmas tree.
Aniya, “White is the color of hope. There is always hope in our pocket. So, lagi lang natin ‘yun bubunutin sa mga bulsa natin, ‘yung pag-asa dahil sabi nga nila, never lose hope.”
Kaya naman sa bandang huli, hindi lang nakapagbigay ng ideya si Kim sa mga netizen kung paano palamutihan ang kanilang Christmas tree kundi naghatid din siya ng inspirasyon sa marami na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay. Narito ang ilang komento ng netizens:
Credit: @chinitaprincess Instagram
“Hi Ms. Kim super nice naman yong christmas tree mo this year. Yearly ko inaabangan ang theme o motif ng christmas tree mo… every year iba iba i always watch showtime lalo maging makulay at masaya ang pamilya ng showtime nung naging bahagi kana sa pamilya nila.. i love all the showtime family. Love you all #solidkapamilya”
“I was inspired by your story.. behind this Christmas tree making. Kaya every year inaabangan ko talaga. Hope someday ill be able to do that too. Pangarap natin yan mula pagkabata at kahit matanda na tayo iba yung saya ng pagaayos ng sarili nating tree. May hugot cheret. Alam mo yan haha.”
“I like your christmas tree sobrang ganda sa mata. At ang tinatamasa ng lahat A tree of Hope na bawat isa ay hindi dapat mawalan ng pag asa.Sobrang ganda ng naisip mo As always,Sobrang Worth it pagod mo sobrang ganda!”