Girlfriend ni Carlo Aquino na si Trina Candaza, ibinahagi na noon pa niya crush si Carlo at patunay dito ang mga luma niyang post tungkol sa aktor!

Naniniwala ka ba sa kapangyarihan ng ‘manifestation’ o iyon bang iniisip mo lang dati pero sa isang hindi malamang dahilan ay nagkatotoo?

Credit: @jose_liwanag Instagram

Marami na tayong nabasa at narinig na kwento kung saan tila ang universe mismo ang gumagawa ng paraan para magtagpo ang dalawang tao.

Pagdating naman sa pag-ibig kung minsan nabibigla na lamang tayo dahil iyong mga taong pinapangarap lamang natin dati ay sila pala ang makakatuluyan natin sa huli!

Nagsilbing inspirasyon nga sa marami ang pagbabahagi ni Trina Candaza, ang model partner ni Carlo Aquino kung paanong ang “ipinopost” at hinahangaan niya dati ay siyang magiging “forever” pala niya.

Credit: @jose_liwanag Instagram

Trending online ang Facebook post ni Trina kung saan ibinahagi niya ang screenshot ng kanyang old post tungkol kay Carlo.

Sa kanyang dating post makikita na nagbahagi siya ng larawan ni Carlo at mayroon pa itong caption na “Huhu ang gwapooooo ni carlo aquino” nang hindi nalalaman na sa hinaharap ay magiging kasintahan pala niya ang aktor.

Kwento ni Trina, February 2018 niya ipinost ang nasabing larawan at ilang buwan lamang ay nagkakilala sila ni Carlo.

Credit: @jose_liwanag Instagram

“Dati pinopost lang kita, hindi ko alam sayo pala ako magkakaroon ng sariling pamilya,” simula ni Trina sa kanyang Facebook post.

Dagdag niya, “Feb 2018 ko shinare ‘yung post, May 2018 nagkakilala kami, January 2019 naging kami na, then September 2020 dumating na ‘yung angel namin.”

Credit: @jose_liwanag Instagram

May payo naman si Trina para sa mga taong may hinahangaang artista. Aniya, huwag huminto ang mga ito na mag-share ng mga larawan ng kanilang mga celebrity crush o ipahayag ang kanilang paghanga dahil baka sakaling tulad niya ay makatuluyan din nila ito.

Ani Trina, “Share lang kayo ng share malay niyo sila pala ang forever niyo! Pero si Carlo Aquino sa akin na po siya.”

Credit: @jose_liwanag Instagram

Samantala, bago naman ang viral post ni Trina, una nang ibinahagi ni Carlo sa isang panayam kay Erich Gonzales kung paano sila nagkakilala.

Ayon kay Carlo, nakita niya si Trina sa isang motor show sa World Trade Center. Ibinunyag ni Carlo na sa lahat ng mga babaeng naroon sa nasabing show, tanging si Trina lamang ang nakakuha ng kanyang atensyon.

Credit: @jose_liwanag Instagram

Pagbubunyag ni Carlo, “Siyempre may mga models, may mga babae. Tapos nakita ko siya. Tapos sabi ko, ‘Ang ganda ng mata mo.’ Siya lang ‘yung napansin ko talaga. Tapos nagpa-picture ako sa kanya.”

Dagdag niya, “After a few weeks, hinanap ko siya sa Facebook. Actually, kilala ko pala ‘yung sister niya. So hininap ko siya doon sa Facebook ng [sister niya]. Nag-stalk pa ‘ko. Kinuha ko ‘yung number niya, nilabas ko siya, nag-Greenhills, tapos nagdere-diretso na.”

Credit: @jose_liwanag Instagram

Winelcome ng celebrity couple ang kanilang unang anak na si Enola Mithi October noong nakaraang taon.