Gladys Guevarra, ini-reveal na isang buwan pa lang silang magkakilala ng kanyang boyfriend nang nagpakasal

Nagpakasal na ang comedienne-singer na si Gladys Guevarra sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mike Navarrete at ito ay kanyang ibinahagi sa Instagram.

Credit: @akosigladysguevarra Instagram

“I am now officially Mrs. Michael Guardian. Gladys Guevarra Guardian. My forever @mikaelturbo_g12… I love you so much. Cheers to our love, for all eternity and beyond,” caption sa IG post ni Gladys kasama ang ilang larawan na kinuhanan sa kanilang kasal.

Matatandaang Setyembre 2020 ng maglive si Gladys sa kanyang Facebook page at sinabing siya ay nilok0 ng kanyang dating kalive-in partner subalit nang i-anunsiyo ni Gladys ang kanyang engagement sa bagong kasintahang si Michael, wala na siyang nasabi kundi “Fairytales do really happen.”

Credit: @akosigladysguevarra Instagram

Nang lumabas siya sa Eat Bulaga, kung saan isa siya sa choices sa “Bawal Judgmental” noong Huwebes, June 3, naikuwento niya ang pagpapakasal nila ng kanyang non-showbiz husband na si Mike Guardian sa Las Vegas, Nevada.

Aminado si Gladys na isang buwan pa lang sila magkakilala ng kanyang mister subalit hindi na siya nagdalawang-isip na magpakasal agad.

“Parang ang akin, hindi na kami nag-atubili na pahabain pa lahat ng preparasyon. Kasi, alam n’yo naman, di ko na patatagalin… True love, true love ito, ‘day, true love!” ani Gladys.

Credit: @akosigladysguevarra Instagram

Pabiro pang sinagot ni Gladys si Paolo Ballesteros nang tanungin kung kailan siya ikinasal.

“Paolo, hindi na ako bata! Kailangan ng habulin ang biyahe, mahuhuli na ako sa biyahe. Ayan na! May 8, kinasal kami.”

Ayon pa sa bagong Mrs. Guardian, nakakita raw siya ng maraming signs na si Mike ang “the right one” para sa kanya.

“Marami kasing ano… maraming bagay-bagay, maraming senyales na naipakita itong tao na ito na tinapik rin ako ni Lord na, ‘Ito na yun. Siya na.’” kwento ni Gladys.

Credit: @akosigladysguevarra Instagram

Nakapanayam din nina Paolo at Ryan Agoncillo ang asawa ni Gladys na si Mike at tinanong kung ano ang nakita nito kay Gladys para magpakasal sila agad.

“Nung naramdaman ko na parang ayoko na siya mawala,” sagot ni Mike.

Credit: @akosigladysguevarra Instagram

“Sabi ko, kailangan i-grab ko na ‘yung opportunity na ‘to kasi baka mamaya hindi ko na uli maramdaman. Sabi ko, sa akin na siya,” dagdag pa nito.

Ibinahagi din ng comedianne-singer ang kanyang nararamdaman sa kanilang relasyon.

“Ang saya, ayoko pakinggan ‘yung ibang sinasabi na, of course, sa simula masaya. Hindi! Kasi, araw-araw masaya kasi kami, natutuwa ako. Kasi, para akong bagong silang na tuwing umaga ‘yung, ‘Good morning Mrs. Guardian. Good morning my wife.’ Ang sarap!” wika ni Gladys.