Gladys Reyes at Christopher Roxas, nananatiling matatag sa loob ng mahigit tatlong dekadang pagsasama

Paano nga ba nahahanap ng iba ang tunay na pag-ibig sa napakamurang edad? Sa patuloy na paglipas ng panahon kalakip ng mga problema na minsan nang sinubok ang relationship ni Gladys Reyes at Christopher Roxas, nagawa pa rin nila na panatilihing matatag ang foundation ng kanilang pagmamahalan.

Credit: @iamgladysreyes Instagram

Sa murang edad, nakararanas lamang ang karamihan sa atin ng ‘puppy love’ o hindi kaya’y simpleng pagmamahalan na kalaunan ay nauuwi lamang sa hiwalayan kaya naman bibihira lamang ang makatagpo ng tunay na pag-ibig katulad na lamang ni Gladys Reyes at Christopher Roxas na unang nagkita noong 1990’s nang nagkasama sa sikat na teleseryeng “Mara Clara” na hanggang ngayon ay nananatili pa rin na in love sa isa’t-isa.

Ang noo’y inaakalang simpleng pagmamahalan ay umabot sa mahigit na tatlong dekada na pagsasama ni Gladys at Christopher bilang couple at hanggang ngayon ay patuloy na pinagtitibay ng panahon!

Credit: @iamgladysreyes Instagram

Bilang celebration sa kanilang ika-29 na taong pagsasama bilang couple, ipinahayag ng aktres ang kanyang kasiyahan sa Instagram kalakip ng mga larawang kuha sa simpleng date nila ng asawa.

“29 years of togetherness… Thank you bebe for the surprise! Thank you God for blessings us all these years!!”

Sa isa pa niyang post, ibinahagi rin ng aktres ang mga dating larawan nila ni Christopher hanggang sa pictures ngayong sila’y kasal na at may apat ng mga anak.

Credit: @iamgladysreyes Instagram

Sa napakahabang panahon nilang pagiging couple, hindi napigilan ni Gladys na magbalik-tanaw sa lahat ng pinagdaanan nila at kung paano pinatatag ng faith ang kanilang relasyon.

Sulat ni Gladys sa kanyang caption, “From the first pic, 29 years ago, to the last photo. Almost 3 decades!! Yes, it’s possible! It wasn’t easy, it wasn’t perfect but our faith made us stronger, holding on to what we have that is beautiful and rare. Happy anniversary bebe @christopherroxas!!”

Of course, hindi naman nagpahuli si Christopher at mayroon ring sweet na mensahe para sa kanyang Misis.

“Bebe minsan lang to..before the day ends just want to say luv u sooo much ..salamaqt sa lahat ..bukas bagong buhay na❤️❤️🙏🙏,” pahayag ng aktor.

Credit: @iamgladysreyes Instagram

Isa sa mga hinahangaang couple sa showbiz na talagang tumagal ng napakaraming taon at ngayon ay may sarili ng pamilya, inulan sila ng pagbati galing sa kanilang fans at kapwa celebrities.

Ayon sa karamihan, unti-unting mawawala ang pagmamahal at kilig sa paglipas ng maraming taon pero isa lamang patunay ang ‘Bebe’ couple na mananatiling buhay ang love, kasiyahan, at kilig kapag gugustuhin at pipiliin natin.

Happy Anniversary, Gladys at Christopher Roxas!