Glaiza De Castro at David Rainey, may espesyal na rebelasyon ngayong nagdaang Valentine’s Day!

May tamang pagkakataon talaga para ibahagi sa publiko ang magandang balita at mukhang akma naman ang Valentine’s Day para sa sweet na revelation ni Glaiza De Castro at ng kanyang partner na si David Rainey.

Credit: @glaizaredux Instagram

Sa loob ng ilang taong pananatili ni Glaiza De Castro bilang isang aktres sa lokal na industriya ng showbiz, patuloy naman siya sa pagpapatunay na sobrang deserve niya ang kasikatang tinatamasa.

Of course, kaakibat ng fame ang unti-unting pagkawala ng privacy dahil sobrang determinado talaga ang fans ni Glaiza na malaman at masubaybayan ang kanyang buhay, nasa harap o likod man ng kamera. Hindi rin nakalagpas sa kanyang mga tagahanga ang buhay pag-ibig ng aktres!

Credit: @glaizaredux Instagram

Simula sa pag-anunsyo ni Glaiza sa relationship niya sa isang Irish businessman na si David Rainey, sa pagbabahagi ng updates tungkol sa kanilang dates, at hanggang ibinalitang engaged na sila ng partner, sobrang open at transparent naman ni Glaiza sa social media pero dahil na rin sa kanyang kagustuhan na i-cherish ang precious at isa sa pinaka-importanteng event sa kanilang buhay ni David, mas minabuti ng aktres na ilihim muna ito.

Sa pagsapit ng Valentine’s Day, walang kahit anong sign na ibinigay ang aktres at biglaan na lamang ibinahagi sa Instagram ang kanyang bonggang revelation, at ito ay ang pagiging “married” nila ng fiance!

Credit: @glaizaredux Instagram

“After we got married, some people were asking when we are going to announce it and I honestly thought whether to share it or not since we are also preparing for a wedding in the Philippines,” pahayag ni Glaiza kalakip ng mga larawang kuha sa ginanap nilang simple at intimate na wedding noong October 2021 sa Ireland.

Ayon sa aktres, gusto umano niyang i-reveal na kasal na sila ni David kalakip ng kanilang kuwentong pag-ibig na ekslusibo namang mapapanood sa YouTube channel ng KMJS.

Credit: @glaizaredux Instagram

“Naisip ko na kung i she share man namin ‘to, gusto rin namin i share yung naging kwento at proseso namin,” aniya.

Marami man ang nag-aakalang napakaperfect ng relationship ni Glaiza at David dahil tunay naman kasing nakakabilib ang effective nilang LDR, inamin ng aktres na marami rin silang paghihirap na pinagdaanan katulad na lamang ng ibang relationships.

Credit: @glaizaredux Instagram

“It wasn’t easy for us, much like every relationship. We all have our own pattern and design. Marriage isn’t our end goal, it’s just a part of what’s to come,” saad ng akres.

Mukhang hindi lamang puno ng pag-ibig ang buwan ng February dahil talamak din ang surpresa sa mundo ng showbiz!

Congratulations, Glaiza at David Rainey!