Glaiza De Castro, engaged na sa kanyang Irish businessman-surfing instructor boyfriend!

Masayang inanunsyo ng Kapuso actress-singer na si Glaiza de Castro na engaged na sila ng kanyang Irish boyfriend na si David Rainey. Dalawang taon din na naging magkasintahan sina Glaiza at David. At nito ngang bisperas ng Pasko, ibinahagi ni Glaiza sa kanyang Instagram account ang masayang balita.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Sa isang larawan na ipinost ni Glaiza sa Instagram makikita siyang nakangiti habang ipinapakita ang kanyang engagement ring.

Sa sumunod naman na larawan ay ibinahagi niya ang solo sh0t ng kanyang kamay suot ang kanyang napakagandang engagement ring.

Isang sweet na litrato rin ang ipinost ni Glaiza kung saan ay makikita ang kanyang gwapong fiancè na hawak ang kanyang kamay.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Ayon kay Glaiza, hindi umano niya inaasahan na magsasabi siya ng “yes” sa gitna ng sobrang lamig na panahon ng Ireland. Kasalukuyan kasing nagbabakasyon si Glaiza sa Ireland kung saan naka-base si David.

Aniya, “Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather. …it just felt right. 🍾🎄💍”

Matapos ianunsyo ng aktres ang kanyang engagement, bumuhos naman kaagad ang maraming pagbati para sa kanila mula sa mga kaibigan nila sa showbiz.

Kabilang sa mga artista na bumati sa newly-engaged couple sina Solenn Heaussaff, Angelica Panganiban, Alessandra De Rossi, Sarah Lahbati at Marian Rivera.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Nitong nakaraang September lamang, sa kanilang ika-2 taong Anibersaryo bilang magkasintahan, isang surpresa ang inihanda ni David para kay Glaiza.

Kahit na hindi sila magkasama sa araw ng kanilang anibersaryo ay sinigurado naman ni David na iparamdam kay Glaiza na hindi siya nag-iisa.

Sa tulong ng mga kaibigan ni Glaiza, isang unan na may mukha niya at isang bouquet of flowers ang ibinigay ni David kay Glaiza.

Inamin din ni Glaiza noon na nakakaranas siya ng ‘separation anx!ety’ dahil sa ilang buwan na magkalayo sila ni David.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Aniya, “Since I have been dealing with separation anx!ety for being apart for a few months now, I chose to do things that make me happy like waking up in the morning to see the sunrise and learn surfing, exercising and cooking amongst other things. But this morning, someone surprised me and I’m so grateful ‘cause he constantly find ways to be there for me. Though not physically for now.”

Dagdag niya, “I know we’ll be together again but hopefully, soon. Lol. Maraming salamat at mahal kita 🧀 Special thanks to our friends who planned this perfectly and woke up extra early to set this up. Sobrang saya lang.”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

January 2018 nang unang magkakilala sina Glaiza at David na isang businessman at surfing instructor sa Siargao.