Glaiza De Castro, masayang-masaya ngayon na nakasama muli ang kanyang fiancé

Blooming na blooming ngayon si Glaiza De Castro! Maliban sa tagumpay bilang isang celebrity, masaya rin ngayon ang kanyang puso sa piling ng boyfriend na si David Rainey.

Credit: @glaizaredux Instagram

Kilala si Glaiza De Castro bilang isa sa mga sikat at tinitingalang aktres sa industriya ng showbiz. Talaga namang hindi maitatanggi ang kanyang angking kagandahan dahilan kung bakit ganoon na lamang karami ang mga lalaking nahuhumaling sa kanya.

Iniidolo rin siya ng karamihan dahil sa kagalingan at kahusayan niya pagdating sa pag-arte. Sa katunayan, palaging patok ang kanyang mga proyekto–mapateleserye o pelikula man.

Sa matagumpay niyang career bilang isang aktres, hindi rin lingid sa karamihan ang kagandahan ng kanyang relasyon sa Irish boyfriend na si David Rainey.

Credit: @glaizaredux Instagram

Disyembre noong nakaraang taon nang masayang inanunsyo ni Glaiza sa social media ang engagement nila ni David kung saan ay nakatanggap sila ng masasayang pagbati galing sa kapwa celebrities at fans.

“Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather….it just felt right. 🍾🎄💍,” sulat ni Glaiza sa kanyang caption kalakip ng mga larawan nila ng gwapong boyfriend.

Sa ilang taong pagsasama, napapanatili naman ni Glaiza at David ang katatagan ng kanilang relasyon kahit na’y malayo sila sa isa’t-isa.

Credit: @glaizaredux Instagram

Isang businessman at surfing instructor ang boyfriend ni Glaiza na si David. Pareho man na busy, patuloy pa rin na pinapatatag ng panahon ang kanilang pagmamahalan.

Sa isang interview, ibinahagi ni Glaiza kung paano nila nakakayanan ni David ang “long distance relationship”. Ayon sa aktres, may mga bagay pa umano na kailangan at gusto nilang gawin nang magkahiwalay pero hindi naman nila nakakalimutang bigyan ng atensyon ang isa’t-isa.

“Nandito kami sa phase na ito na tina-try namin as much as we can to focus on ourselves,” sabi ni Glaiza.

Dagdag ng aktres, “We’re building our future separately for now, so kapag dumating ’yung tamang time, buong-buo na talaga kami.”

Credit: @glaizaredux Instagram

Matapos ang engagement, balik LDR na naman sila pero hindi ito naging hadlang upang magkalayo ang kanilang loob sa isa’t-isa. Imbes, mas pinatatag pa nga ng agwat si Glaiza at David.

Sa ilang buwang hindi pagkikita matapos ma-engaged, sa wakas ay nagkasama na rin sina Glaiza at David. Makikita naman sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa Instagram ang excitement nila nang muling nagkita.

“But here we are now, meeting in an unexpected country, exploring the world together,” pahayag ni Glaiza kalakip ng sweet nilang larawan ng boyfriend.

Sa kasalukuyan, masaya ngayong sinusulit ng couple ang kanilang oras habang nagbabakasyon sa Barcelona, Spain.