Glaiza de Castro, nakatanggap ng isang napakagandang sorpresa mula sa kanyang Irish boyfriend

Isang napakagandang sorpresa ang bumungad sa aktres na si Glaiza de Castro sa araw ng kanilang anibersayo ng Irish boyfriend na si David Rainey.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

 

Sa video na ibinahagi ni Glaiza sa kanyang Instagram, makikita siyang tuwang-tuwa nang makita ang inihandang sorpresa ng nobyo na isang bouquet ng bulaklak at malaking unan kung saan naka-imprinta ang mukha ni David.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Simple lang ang naisip na sorpresa ni David ngunit para sa nobya ay napaka-espesyal nito.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Sa higpit naman ng yakap ni Glaiza sa unan ay madadama mo kung gaano niya nami-miss ang nobyo na kasalukuyang nasa Ireland.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Sa video ay maririnig ang boses ng kaibigan ni Glaiza.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Ani nito, “Good morning. May bisita kami.”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Tukoy ng kanyang kaibigan sa life-size pillow na bigay ni David para sa nobya.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Hindi naman makapaniwala si Glaiza, “Oh, my God! Seryoso ba ‘yan?”

Sagot ng kaibigan ni Glaiza, “Oo, kanina pa ‘yan.”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Sa caption ng post, ikwenento ni Glaiza na nakakaramdam siya ng pangungulila sa nobyo na ilang buwan na niyang hindi nakakasama.

Ani Glaiza sa caption, “Since I have been dealing with separation @nxiety for being apart for a few months now, I chose to do things that make me happy like waking up in the morning to see the sunrise and learn surfing, exercising and cooking amongst other things.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

Ayon pa kay Glaiza, nagpapasalamat siya dahil palagi raw nakakahanap ng paraan si David para iparamdam sa kanya na nandiyan lang ito para sa kanya.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Saad ni Glaiza, “But this morning, someone surprised me and I’m so grateful ‘cause he constantly find ways to be there for me. Though not physically for now.”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Sa huli ay alam umano ni Glaiza na balang araw ay magkakasama rin sila ni David.

Aniya, “I know we’ll be together again but hopefully, soon. Lol. Maraming salamat at mahal kita 🧀”

Samantala, kamakailan lang ay ibinahagi ni Glaiza sa isang hiwalay na Instagram post kung paano nila nalalampasan ni David ang hamon na kalakip ng long distance relationship.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Ani Glaiza sa caption ng IG post, “Some people are asking how we make long distance relationship work, so sharing one of the many (personal) videos that was sent to me by @david_rainey89 as time difference is an issue we constantly face.”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Dagdag niya, “So we try to come up with creative and exciting ways to communicate with each other. Perhaps it’s a good thing we’re apart sometimes, perhaps no. But one thing’s for sure; we put extra effort in this relationship and keep the faith, always,”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Nakilala ni Glaiza si David, na isang professional surfing instructor na naka-base sa Ireland, sa isla ng Siargao nang minsang magbakasyon siya roon.