“Kaybilis naman ng panahon!” Iyan ang katagang madalas na naging komento ng mga netizens nang nalamang ikakasal na si Trina Legaspi o mas kilala bilang si “Hopia” sa Goin’ Bulilit.
Credit: @trinalegaspi Instagram
Huwebes, August 5 nang ibinahagi ni Trina sa kanyang Instagram story ang iilang larawan kung saan ay makikitang magkasama at magkayakap sila ng aktres at dating kasamahan sa Goin’ Bulilit na si Julia Montes.
Ayon kay Trina ay isa umano si Julia Montes sa bridesmaids ng kanyang inaabangang kasal na inaasahang gaganapin ngayong taon. Sa caption ay isinulat ni Trina na, “Parang kailan lang ‘yung GB days!”
Credit: @trinalegaspi Instagram
Sa mga larawang ibinahagi ni Trina kung saan ay kasama nilang dalawa ni Julia ang fashion designer na si Chynna Mamawal ay masasabing nagkaroon ng fitting session ang “soon-to-be-bride” at ang inaasahan niyang bridesmaid na si Julia.
Credit: @trinalegaspi Instagram
Marami naman ang naging sentimental at nagbalik-tanaw. Hindi napigilan ni Trina na sabihing sobrang bilis ng panahon at parang noon pa lamang ay magkasama sila ni Julia sa Goin’ Bulilit. Marami naman ang halos hindi makapaniwala dahil noon pa man ay madalas ng nakikita sina Julia at Trina sa Goin’ Bulilit at nagspe-spread ng good vibes.
View this post on Instagram
Sa edad na 27 ay engaged na si Trina sa boyfriend na si Ryan Jarina. Ayon sa kanya ay nag-set na umano sila ng date pero kinumpirma niyang mangyayari ang kasalan ngayong taon.
Credit: @trinalegaspi Instagram
Mabuting magkaibigan sina Julia at Trina. Mula pa man noong “GB days” ay isa sila sa mga nakitaan ng pure na pagkakaibigan at kahit ilang taon man ang lumipas ay nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.
Marami naman ang na-excite sa kasalang magaganap ngayong taon. Of course, marami rin ang makakaramdam ng nostalgia lalo na’t dati pa man ay nasisilyan na sa telebisyon sina Trina at Julia.
Credit: @trinalegaspi Instagram
Kasama rin sa imbitadong bisita sa upcoming na kasal ni Trina ay sina Michelle Vito, Angeli Gonzales, Direk Edgar “Bobot” Mortiz at ang asawa nito na si Milette.
“Siyempre si Direk Bobot kasama, number one na ‘yan. Kasi lumaki ako kay Direk eh, parang second father ko na siya, so for sure siya ang ninong at si Tita Millette,” sabi ni Trina.
Credit: @trinalegaspi Instagram
Marso ngayong taon nang inanunsyo ni Trina sa isang panayam sa “Magandang Buhay” na ikakasal na siya sa kanyang boyfriend na naging kasama niya sa loob ng pitong taon. Marami naman ang nasiyahan sa balita niyang ito lalo na’t isa ito sa mga importanteng event sa kanyang buhay.