Masayang ipinagdiwang ng dating aktres na si Gretchen Barretto at napakayamang negosyante na si Tonyboy Cojuangco ang kanilang ika-27 taong pagsasama nitong Feberuary 2.
Credit: @gretchenbarretto Instagram
Simple lamang na ipinagdiwang nina Gretchen at Tonyboy ang kanilang anibersaryo. Mapapanood sa isang video na kinunan ng kanilang unica hija na si Dominique Cojuanco ang masaya nilang ‘pajama get together’ sa kanilang espesyal na araw.
Ibinahagi naman ng business tycoon ang kanyang sikreto sa matagal na pagsasama nila ni Gretchen.
Sa video ay tinanong ni Dominique ang kanyang mga magulang kung ano ang maipapayo nila para sa mga taong nais na magtagal ang kanilang relasyon.
View this post on Instagram
Ani Dominique, “What’s your tip to everybody who wants to be together for that long [27 years]?”
Sagot naman ni Tonyboy, “Always agree with the mama.”
Dagdag niya, “The mama is always right.”
Credit: @gretchenbarretto Instagram
Sulat naman ni Gretchen sa caption ng video, “27 years 💝 @video by our baby @dominique💗its a pajama get together. Been nursing low blood pressure . I am the mama by the way 🥰”
Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin naikakasal sina Gretchen at Tonyboy dahil legal pa rin na kasal ang negosyante sa equestrienne o professional horseback rider na si Denise Yabut.
Noong 2018 ay matapang na bumwelta si Gretchen sa mga taong tinatawag siyang ‘kabit’ ni Tonyboy.
Ani Gretchen, “Sasabihin nila na kabit, aaminin ko, for the past 23 or almost 24 years, opo, kabit po ako ni Tonyboy Cojuangco. I never denied it.”
Credit: @gretchenbarretto Instagram
Ayon kay Gretchen, hindi na umano siya nasasaktan tuwing tinatawag siya ng mga tao na kabit.
Aniya, “If you threw that at me five years ago, maglulupasay po ako. Halos magpakam@tay po ako sa sak!t sa aking dibdib ‘pag tinatawag niyo akong kabit. But right now, after 23 lovely years with my Tonyboy, you can call me ‘kabit’ and I will tell you, ‘I am happily his kabit. I am happily his mistress.'”
At kahit hindi perpekto ang kanyang buhay at relasyon, iginiit ni Gretchen na masaya siya.
Credit: @gretchenbarretto Instagram
Giit niya, “Yes, it is true. Maybe I will never be married with him. Maybe he will never marry me. Maybe I will never have that dream to walk down the aisle and have that fabulous gown. But who cares? I have a very flawed life, a flawed relationship, but I’m happy.”