Gretchen Barretto, ipinakita kung paano siya magluto ng pancit canton gamit ang kanyang napakamahal na kaldero

Kilala ang mga Pinoy na mahilig sa pagkain. Isa nga sa mga paborito nating pagkain ay ang instant noodles na pancit canton.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Maraming dahilan kaya isa ang pancit canton sa mga paboritong kainin ng mga Pinoy. Isa rito ay dahil napakadali at napaka-simple lamang nitong ihanda. Sa katunayan, kadalasang pancit canton ang ating niluluto kapag tinatamad na tayong magluto.

Ang kailangan lamang kasi nating gawin ay mag-init ng tubig sa isang kaldero, isang pakete ng pancit canton at viola! May pagkain na tayong makakapag-alis ng ating gutom. Bukod naman sa napakadali nitong ihanda, swak din sa budget natin ang pancit canton.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Samantala, maging ang mga maykaya o iyong mayayaman ay paborito rin ang pancit canton. Tulad na lamang ng socialite at dating aktres na si Gretchen Barretto na aminadong paborito rin ang pancit canton.

May sarili namang style sa pagluluto ng pancit canton si Gretchen na ibinahagi niya sa kanyang followers sa Instagram.

Credit: The PH Showbiz News YouTube

Ibinahagi ni Gretchen sa isang Instagram live kung paano niya inihahanda ang kanyang pancit canton.

“This is so yummy!” saad ni Gretchen sa simula ng kanyang live.

Dagdag pa niya, “This is the seasoning of Lucky Me Pancit Canton. This is perfect with Spam. I put this ’cause I want my noodles like, super moist…see? I put eggs.”

Kasama rin sa mga ibinahagi ni Gretchen sa kanyang followers ay ang ilang secret ingredients na ginagamit niya para mas maging masarap pa ang kanyang pancit canton. Tulad na lamang ng chili at garlic oil. Ayon kay Gretchen, gusto niyang napaka-spicy ng kanyang pancit canton.

Credit: The PH Showbiz News YouTube

“I want mine very spicy but the others don’t want spicy…Delimondo chili and garlic oil. See I put this? Then I put cayenne [pepper flakes] just because I like it very, very, very chili [spicy],” pahayag pa ni Gretchen.

Kapansin-pansin na walang kakaiba sa pagluluto ni Gretchen bukod sa may idinagdag lamang siyang ilang sangkap sa kanyang pancit canton.

Ngunit ang umagaw sa pansin ng maraming netizens ay ang ginamit na kaldero ni Gretchen sa pagluluto ng pancit canton.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Alam naman natin na mura lang ang pancit canton kaya naman nang ma-spottan ng netizens ang ginamit na kaldero ni Gretchen ay napa-w0w na lamang sila.

Makikita sa live ni Gretchen na ang ginamit niyang kaldero ay isang dutch oven mula sa mamahaling French cookware brand na Le Creuset na tinatayang nagkakahalaga ng US$330 o humigit-kumulang P17, 330 kung iko-convert sa pera natin.

Dahil sa presyo ng kaldero kaya naman nag-trending ang pagluluto ng pancit canton ni Gretchen.

Credit: The PH Showbiz News YouTube

Samantala, pagkatapos lutuin ay kaagad na nilantakan ni La Greta ang kanyang nilutong pancit canton na mukha namang napakasarap.