Gretchen Barretto, ipinasilip sa netizens ang napakalaki at gandang mansyon nila ni Tony Boy Cojuangco!

Isa si Gretchen Barretto sa mga tinitingalang aktres sa showbizness. Sa murang edad, pinasok na ni Gretchen ang pag-aartista nang mapabilang siya sa 1984 Regal Film na 14 Going Steady kasama ang kapwa niya Regal Babies na sina Janice de Belen at Nadia Montenegro. Sumikat din siya noong dekada 90 bilang isa sa mga s3xy actress ng Seiko films.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Hindi naman maikakailang isang mahusay na aktres si Gretchen dahil sa mga hit teleserye na kanyang kinabibilangan noon tulad ng “Oki Doki Doc,” “Magkaribal,” “Princess and I” at marami pang iba.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Samantala, bukod sa kanyang matagumpay na karera sa pag-arte, kilala rin ng marami si Gretchen dahil sa kanyang timeless beauty at pagiging socialite.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Kahit nga hindi na aktibo sa showbiz si Gretchen ay madalas pa rin siyang pag-usapan at subaybayan ng marami dahil sa kanyang marangyang pamumuhay kasama ang kanyang longtime partner na si Antonio ‘Tony Boy’ Cojuangco Jr.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na isang prominenteng negosyante si Tony Boy na nagmamay-ari ng napakaraming negosyo rito sa bansa. Kaya naman hindi na nakakagulat na marami ang interesado sa buhay nila ni Gretchen.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Kamakailan nga ay naging usap-usapan ang ginawang virtual house tour ni Gretchen sa napakagandang mansyon na tinitirhan nila ngayon ni Tony Boy.

Ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram account ang hindi inaasahang house tour niya.

Namangha ang maraming netizens sa bahay nina Gretchen na marahil sa laki ay hindi na niya maikot at maipakita ang bawat bahagi ng isa-isa.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Sa video ay mapapanood na una niyang ipinakita ang hangout place nila ni Tony Boy tuwing gabi.
Ipinagpatuloy naman ni Gretchen ang kanyang house tour mula sa CCTV room ng kanilang bahay at makikitang mayroong napakaraming bahagi at kwarto ang kanilang mansyon.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

“This is the area where I monitor the CCTVs so I know everything that’s going here,” saad ni Gretchen sa background.

Kabilang sa mga ipinasilip ni Gretchen sa netizens ay ang kanilang office area, dining room, kitchen area at maging ang kanyang praying corner kung saan naka-display ang koleksyon niya ng mga kandila.

Credit: @gretchenbarretto Instagram

Bukod sa nasabing video ay makikita din sa Instagram account ni Gretchen ang ilang parte ng kanilang napakalaki at napakagandang bahay.

Matatandaang noon lamang nakaraang Pebrero ay ipinagdiwang nina Gretchen at Tony ang kanilang ika-27 taong anibersaryo bilang mag-partners kasama ang kanilang unica hija na si Dominique.