Gretchen Barretto, sinabing ini-inspire siya ng kapatid na si Claudine Barretto para maging isang mabuting anak

Isa sa mga pinakasikat at pinaka-kontrobersiyal na celebrity siblings sa Philippine showbiz industry sina Gretchen Barretto at Claudine Barretto. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, na sa loob ng anim na taon ay hindi maganda ang relasyon nina Gretchen at Claudine. Gayunpaman, ay nagkabati rin sina Gretchen at Claudine noong nakaraang taon.

Credit: @claubarretto Instagram        

Sa kasalukuyan nga ay kapansin-pansin ang pagiging malapit ni Gretchen sa kanyang nakababatang kapatid. Kamakailan lamang ay pinasalamatan ni Gretchen si Claudine dahil ito umano ang nagturo sa kanyang maging isang mabuting anak.

Credit: @claubarretto Instagram

Sa Instagram nitong October 20, ay nag-post si Claudine ng isang larawan kung saan kasama niya ang kanilang ina na si Estrella at mga kapatid na sina Jay-jay at Michelle.

Credit: @claubarretto Instagram

Kuha ang larawan mula sa restaurant kung saan ipinagdiwang nila ang civil wedding anniversary nina Estrella at ng kanilang pum@naw na ama na si Miguel.

Caption ni Claudine sa letrato, “Happy Civil wedding anniversary of Mom & Dad. we miss u Dad. Thank u jjbarretto @gretchenbarretto”

Credit: @claubarretto Instagram

Sa comment section ng nasabing post ni Claudine, ay isang komento ang iniwan ni Gretchen. Ayon kay Gretchen, labis umano ang kanyang nararamdamang kasiyahan na makita ang kanyang pamilya na masayang-masaya.

Ani ng aktres, “I am overjoyed to see you all looking so happy”

Credit: @claubarretto Instagram

Pinasalamatan din ni Gretchen ang kanyang mga kapatid dahil pinapasaya umano nito ang kanilang inang si Estrella.

Credit: @claubarretto Instagram

Aniya, “know that I appreciate each of you for making mom aliw. bro j, i am proud of you.”

Credit: @claubarretto Instagram

Sa huli ay isang nakaka-touch na mensahe ang iniwan ni Gretchen para kay Claudine.

Credit: @claubarretto Instagram

Saad ni Gretchen, “baby girl, clau thank you for inspiring me to be a better daughter. our ate mich.”

Credit: @claubarretto Instagram

Matatandaang noong October 16, 2019 lamang din, sa burol ng kanilang padre de pamilya, nagkaayos ang mag-inang Gretchen at Estrella.

Credit: @claubarretto Instagram

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos sina Gretchen at ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie Barretto.