Gretchen Ho, ibinahagi ang mga naging karanasan nang kumuha ng short course sa Harvard Business School

Wala talagang pinapalampas na opportunity si Gretchen Ho dahil determinado siyang pawiin ang pagiging uhaw niyang madagdagan ang kanyang knowledge sa iba’t-ibang aspeto ng buhay!

Credit: @gretchenho Instagram

Hindi man isang aktres, nagawa pa rin ni Gretchen na makabuo ng sariling pangalan sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na journalist at athlete ngunit sa paglipas ng panahon, wala pa rin siyang tigil na makahanap ng opportunity na talaga namang makakatulong sa kanya.

Kumakailan lamang nang lumipad patungong US si Gretchen at mula noon, patuloy siya sa pagbibigay ng update tungkol sa buhay niya bilang isang student sa isa sa mga prestihiyosong institution sa buong mundo na Harvard Business School.

Biyernes, December 10 nang ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram account ang buo niyang karanasan nang makapagtapos ng maikling course na “The Business of Entertainment, Media, and Sports”.

Credit: @gretchenho Instagram

Hindi umano basta-basta ang lahat ng ginawa ni Gretchen sa loob ng apat na araw pero aminado naman siyang marami siyang natutunan na panghabang-buhay umano niyang babaunin.

“The past days have been such a whirlwind. We studied 10 cases in 3 full days, with different accomplished, experienced minds pitching in — from the NBA, MLB, NFL, FIFA, Facebook / Instagram, Twitter, Youtube, the fields of news, tech, music, gaming, streaming, A.R., A.I., sports marketing, talent management, advertising, financial investing, and more ++,” pagkukuwento niya.

Credit: @gretchenho Instagram

Dagdag pa niya, “It was great hearing from people who were actually there (or sometimes found themselves right in the middle of cases). Even greater hearing everyone pitch in their points-of-view from different sides of the industry.”

Nang una itong nabalitaan noong taong 2019, kaagad umanong nalaman ni Gretchen na kailangan niya itong kunin. Malaki rin ang kanyang pasasalamat na may offer na ganitong course ang Harvard dahil napakalaking tulong umano nito para sa mga kapwa niya athletes na gustong pasukin ang ibang larangan.

Credit: @gretchenho Instagram

Hindi rin naiwasan ni Gretchen na mapansin kung gaano naiiwanan ang Pilipinas sa maraming “areas” pero baon naman niya ang knowledge na natutunan niya sa pinasukang course.

“During discussions, I couldn’t help but feel that the Philippines is still behind in many areas, but I also am taking home with me a lot of ideas, and a better sense of where we are at & what else there is to be done,” saad ni Gretchen.

Credit: @gretchenho Instagram

Bibihira lamang ang makatanggap ng ganitong opportunity kaya naman proud na proud si Gretchen bilang isang representative ng “Eastern side of the world”.

Congratulations, Gretchen Ho!