Gwapong anak na lalaki ni Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagdiwang ng ikatlong kaarawan

Sa murang edad, talagang purong kasiyahan at enjoyment lamang ang hanap at naibibigay natin kaya naman sa bawat kaarawan, may expectation talaga na magkakaroon ng lively at vibrant na party!

Credit: @marianrivera Instagram

Isa ang pamilyang Rivera-Dantes sa mga pamilya sa lokal na industriya ng showbiz na talagang sinusubaybayan at tinututukan ng netizens. Kahit na’y nasa likod ng kamera, patuloy pa rin sa pagbibigay ng update si Marian Rivera at Dingdong Dantes sa bawat kaganapan sa kanilang pamilya lalo na’t palaging inaabangan ng kanilang fans ang makukulit na activities ng kanilang mga anak na si Zia at baby Sixto.

Linggo, April 16 ngayong taon nang ipinagdiwang ng bunsong anak ni Marian at Dingdong na si baby Sixto ang kanyang ikatlong kaarawan kaya naman marami sa kanilang fans ang halos hindi makapaniwala sa mabilis na paglipas ng panahon dahil parang kumakailan lamang nang isinilang at ipinakilala siya ng kanyang mga magulang sa publiko.

Credit: @marianrivera Instagram

Sa espesyal na araw ni baby Sixto, talagang masinsinan itong pinaghandaan ng kanyang mga magulang dahil wala namang ibang kahilingan ang mag-asawang si Marian at Dingdong kundi ay mabigyan ng labis na kasiyahan ang bunsong anak.

Matapos ipagdiwang ang mismong araw sa kaarawan ni baby Sixto sa Palawan, nagpa-party ang Team Dantes na may temang “PJ Masks,” isang sikat na cartoon show ngayon sa mga bata.

Mula sa decoration, mascots, mga palaro, mga pagkain, at cake, inspired talaga ang lahat sa “PJ Masks”. Puno ng kulay pula, green at blue ang kabuuang party kaya naman talagang feel na feel ang vibe at hype ng nasabing cartoon show.

Credit: @marianrivera Instagram

Maliban dito, may hinanda rin na inflatable slide kung saan ay nakipaglaro at nakipagkulitan ang birthday boy na si baby Sixto sa kanyang mga kaibigan.

Of course, dahil paborito ni baby Sixto ang “PJ Masks,” talagang hindi siya nagpahuli sa pagpapa-picture sa mga mascot na present din sa kanyang party kasama ang kanyang Ate Zia na sobrang game rin sa bawat paandar niya.

Credit: @marianrivera Instagram

Ipinasilip naman ng kanyang Mommy Marian ang mga larawang kuha niya sa party ni baby Sixto sa Instagram kung saan matutunghayan kung gaano ka-vibrant ang event.

“Our birthday boy Sixto had so much fun at his intimate celebration with the fam 🥳 ,” sulat ng aktres sa kanyang caption.

Makikita naman sa mga larawan kung gaano kalaki ang ngiti ni baby Sixto habang nagbo-blow ng cake at habang naglalaro kasama ang kanyang “PJ Masks” squad.