Kinatuwaan ng maraming netizens ang napakagwapong bunsong anak nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto na si Vin o Marvic Valentin Sotto II. Bata pa lamang kasi ay maporma na si Vin. Maging ang kanyang Mommy Kristine ay tuwang-tuwa kay Vin.

Sa Instagram ni Kristine ay ibinahagi niya ang isang letrato ni Vin kung saan makikita ang kanyang “outfit of the day”. Kwento pa ni Kristine, na kahit nasa bahay lamang si Vin ay gusto umano nitong pumorma pa rin.

Sinabi pa ni Kristine na araw-araw umanong pumipili si Vin ng kanyang “outfit of the day”
Maliban dito ay nagpapabango rin daw si Vin na tila may lakad kahit naman tambay lang ito sa kanilang bahay.

Sulat ni Kristine sa caption, “Araw-araw siya ang nagpprepare ng susuotin niya for the day. ☺️ gusto niya pusturang pustura siya palagi.. at nagccologne pa! Tambay lang naman siya sa bahay araw araw 😂 #Vin”

Hindi talaga maipagkakaila na isang “heartthrob in the making” si Vin. Makikita kasi sa mga letrato ni Vin na ibinabahagi ni Kristine sa kanyang Instagram account ang kagwapuhan nito. Gwapong bata talaga si Vin na utang niya sa magandang genes ng kanyang mga magulang pati na rin ng kanyang lolo at lola.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na apo ni TV actress Dina Bonnevie at Bossing Vic Sotto si Vin.
Maliban naman sa pagiging gwapo ni Vin ay napaka-sweet din nitong bata.
View this post on Instagram
Sa isang Instagram post nga ni Kristine ay ibinahagi niya na halos araw-araw ay binibigyan siya ni Vin ng mga bulaklak. Hiling ni Kristine na hindi magbago si Vin at manatili itong sweet na anak.

Aniya, “Almost everyday he gives me flowers. mapa-pitas sa garden, artificial man o sticker pa yan..basta dapat mabigyan niya ako..Please don’t change, Vin.”

Samantala, ipinahayag naman ng maraming netizens ang paghanga nila sa napakagwapong anak nina Kristine at Oyo. Komento ng netizens:
“Nakakatuwang bata ito. Model ito paglaki!!”
“Baby pa lang makarisma na ito next heartthrob.”

“Atleast kahit tambay lang siya sa bahay nkaporma pa din”
“Sign lang yan na paglaki nya maporma din siya! iloveyou Vin.”

Isinilang ni Kristine si Vin noong November 5, 2016.