Haciendera look ni Bea Alonzo, sobrang bet ng netizens!

Kahit ilang versions at iba-ibang look pa ‘yan basta ba’t si Bea Alonzo ay wala na talaga tayong iba pang dahilan upang hindi ito magustuhan pero tila’y wala naman ang nakapaghanda sa kanyang haciendera look dahil halos maubusan na ang netizens sa mga salitang sasabihin na babagay sa aktres!

Credit: @beaalonzo Instagram

Kung noon ay sa mga Mexican at Spanish na drama, cover ng mga libro o postcards lamang natin nakikita ang mga ‘farm girl,’ ngayon naman ay binibigyang buhay na ito ni Bea Alonzo kaya nagkagulo talaga ang netizens sa hatid niyang perfect na haciendera look.

Sa post ng aktres sa Instagram nito lamang bago, ibinahagi niya ang kanyang mga larawan na kuha sa kanyang farm sa Zambales na kung tawagin niyang Beati Firma. Sa aesthetic na landscape pati na rin sa kanyang ‘farm girl-inspired’ na outfit, awtomatiko talaga na napa-double tap ang netizens.



“Mentally here,” sulat ni Bea sa kanyang caption.

Taliwas sa pag-aakala ng iilan na photoshoot lamang ito para sa susunod niyang teleserye, totoo talaga na isang certified na ‘farm girl’ si Bea dahilan kung bakit mas nagustuhan ito ng netizens dahil parang binigyang buhay umano ng aktres ang mga ‘farm girl’ na napapanood lamang natin sa mga haciendera na genre ng Mexican dramas.

Credit: @beaalonzo Instagram

“Ung photos mo prng mga nbbsa ko s pocketbook lalpo na pg gaviendera ang peg na bnbaa ko hehe”

“Ang ganda at sexy mo naman Ms. Bea sa suot at buhok mo with background mo farm mo❤️😍”

“S3xinesa and freshness rpdeo gurl😍❤️❤️❤️”

“Sobrang ganda naman ng haciendera Bea💖”

Credit: @beaalonzo Instagram

Disyembre noong nakaraang taon nang pansamantalang nilisan ng aktres ang siyudad upang makapagbakasyon sa kanilang Beati Firma sa Zambales. Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi niya na sa tuwing bumibisita siya doon ay mas napapalapit siya sa kalikasan at mas na-appreciate niya ang beauty nito kaya itinuturing talaga niya itong “sanctuary”.

“Stepped out of the city for a few days to go back to our farm,” aniya.

“I forgot how I miss just being close to nature and being close to animals. Being able to appreciate these basic things that we usually forget about when we’re in the city is the best thing; that’s why I make sure to come home to my sanctuary every chance I get. The more I experience it, the more I am reminded to be kinder to our planet.”



Ngayong busy sa trabaho, tanging pagre-reminisce lamang sa kanyang vacation sa Beati Firma ang nagagawa ni Bea pero gayunpaman, sobrang vivid naman ng kanyang memories na umaabot pa nga sa punto na nararanasan ng netizens ang kanyang maganda at wholesome na experience sa kanilang farm sa Zambales.

Credit: @beaalonzo Instagram

Upang mas mabuhay pa ang imagination ng netizens sa haciendera na buhay ni Bea, marami sa netizens ang humihiling na sana’y magkaroon ng virtual na tour ang aktres sa Beati Firma. May iilan pa nga na nagsasabing sana’y magkaroon ng haciendera genre na drama si Bea at gawing location shoot ang kanyang farm.

Kung nagustuhan natin ang ‘city girl’ na vibes ni Bea Alonzo ay mas higit pa ang ating pagmamahal sa kanyang ‘farm girl’ na version kaya marami talaga ang nagsasabing sana’y ipagpatuloy pa ng aktres ang pagbabahagi sa kanyang buhay sa Beati Firma.