Halloween costume ng mga anak nina Anne Curtis at Solenn Heaussaff, kinagigiliwan ngayon sa social media

Maraming tao sa buong mundo ang nagdiriwang ng Halloween. Bagaman maraming mga matatanda ang nasisiyahan dito, ito ay higit na ipinagdiriwang at tinatangkilik ng mga bata.

Karaniwang tradisyon nga ng mga bata tuwing Halloween ay ang magsuot ng Halloween costume. Sa katunayan, ay maraming mga magulang ang hindi pinalagpas na bihisan ang kanilang mga anak ng mga Halloween costume.

Kagaya na lamang ng mga first time celebrity mom na sina Anne Curtis at Solenn Heussaff na binihisan ang kanilang mga anak ng mga makukulay at cute dress mula sa mga movie character.

Credit: Anne Curtis Instagram

Ang anak nina Anne at Erwan Heaussaff na si Baby Dahlia Amèlie ay nagbihis bilang isang fairy.

Sa letrato na i-pinost ni Anne sa kanyang Instagram, makikita si Baby Dahlia Amèlie na cute na cute at napaka-adorable sa kanyang suot na light yellow fairy dress at flower crown. Siyempre hindi mawawala ang kanyang magic wand.

Kagaya ng isang tunay na fairy ay mayroon na rin tinupad na hiling si Baby Dahlia Amèlie base na rin sa caption ng Instagram post ni Anne.

Credit: Anne Curtis Instagram

Sa caption ay isang sweet message ang ipinarating ni Anne para sa anak. Ani Anne, “Our little fairy making all our wishes come true 💫🧀🧚🏼‍♂️ Happy 1st Halloween little Dahlia Amélie and
Happy Halloween everyone! 🎃👻 Thank you Mum! Your garden was the perfect backdrop @carmcurtissmith and sorry Dahlia picked a few of your flowers 😂”

Agad namang pinusuan ng maraming netizen ang letrato ni Baby Dahlia Amèlie.

Credit: Anne Curtis Instagram

Samantala, maaaliw ka naman sa naisip na konsepto ng mag-asawang Solenn Heaussaff at Nico Bolzico para sa Halloween costume ng kanilang anak na si Baby Thylane.

“Little Red Riding Hood” ang naisip na Halloween look ng mag-asawa para sa anak.

Sa Instagram ni Nico ay nagbahagi siya ng isang larawan kung saan makikita si Baby Thylane suot ang kanyang costume katabi ng kanilang alagang aso na si Pocholo.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Sa caption ay ikwenento ni Nico ang konsepto sa likod ng larawan ni Baby Thylane kasama si Pocholo.

Caption ni Nico, “Grandmother! What big ears you have” Little Red Riding Hood and the Wolf Pretending to be the Granny (that is why the glasses of #Pochola, in case you were wondering)”

Dagdag pa ni Nico, “You have no idea how challenging was to take this picture and how different it came out from what we had in mind! It was #Tilibolz first Halloween and we couldnt let it pass with out her dressing up!”

Credit: Nico Bolzico Instagram

Aliw na aliw naman ang netizens sa gimik nina Solenn at Nico. Komento ng netizens:

“This is really cute!”

“Cutest Little Red Riding Hood”

Credit: Nico Bolzico Instagram

“Classic Nico Photo Description and Feature!”

“So cute..Very cute idea..Little riding Hood and the wolf..”