Hashtag member na si Nikko Natividad at kanyang longtime non-showbiz partner, ikinasal na matapos ang 7 taong relasyon!

Lumulutang sa kasiyahan ang pakiramdam ngayon ng Hashtag member na si Nikko Natividad dahil sa wakas ay ikinasal na siya sa kanyang longtime partner na si Cielo Eusebio.

Credit: @hashtag_nikko Instagram

Bago sila ikasal ay nakatira na sa iisang bubong sina Nikko at Cielo kasama ang kanilang panganay na si Aiden. Pero giit ni Nikko noon, naniniwala siyang mas maganda pa rin kung may basbas ang kanilang pagsasama kahit pa parang mag-asawa na sila nito dahil sa kanilang setup.

Pitong taon nang magkasintahan ang couple at noon lamang nakaraang Agosto na-engage sa isa’t isa.

Credit: @hashtag_nikko Instagram

Nangyari ang kasalan ng dalawa noong ika-31 ng Oktubre sa isang napakagandang garden wedding na ginanap sa Club Ananda sa bayan ng Nasugbu, Batangas.

Kabilang naman sa mga dumalo sa kasalan ng couple ay ang mga kaibigan ni Nikko sa showbizness tulad ng mga kamiyembro niya sa Hashtag na sina Zeus Collins, McCoy de Leon, Ronnie Alonte, Tom Doromal at Kid Yambao.

Present din sa pag-iisang dibdib ng couple ang mga aktres na sina Loisa Andalio at Barbie Imperial.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi naman ni Nikko ang ilang larawan at video kuha mula sa kanilang kasal.

Credit: @hashtag_nikko Instagram

Sa isang post, sinabi ni Nikko na masayang-masaya siya dahil si Cielo ang kanyang napangasawa na siyang ina naman ng kanyang anak na si Aiden.

Pahayag ni Nikko, “Hindi parin ako makapaniwala. Lumulutang ako sa saya. Masaya ako at ikaw ang napangasawa.”

Nagpapasalamat naman si Nikko dahil natupad ang pinapangarap nilang kasal ni Cielo.

Matatandaang ipinaliwanag noon ni Nikko sa isang vlog kung bakit umabot ng maraming taon bago niya naisipang pakasalan si Cielo. Ayon sa aktor, hinintay niya munang maging handa siya bago niya pakasalan ang kanyang nobya.

Credit: @hashtag_nikko Instagram

Ibinahagi rin ni Nikko kung paano maiiyak ang kanyang partner tuwing dadalo sila sa isang kasal. Kwento pa niya, noong mga panahong iyon ay sasabihin ni Cielo na gusto na nitong magpakasal na sila. Pero aminado si Nikko na hindi pa siya handa na magpakasal noon.

Hanggang sa hindi nga inaasahang oras ay nalaman na lamang umanon niya sa kanyang sarili na gusto na niyang pakasalan ang kanyang nobya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NikkoDAKS (@hashtag_nikko)

“Tapos one time, bigla na lang, nagte-treadmill ako tapos kinausap ko siya. Wala na akong ano, ‘yung mga surprise? Nagte-treadmill lang ako…tapos bigla ko na lang naisip na, gusto ko na magpakasal,” ani Nikko.

Sa huli, masaya si Nikko dahil nagawa siyang hintayin ng kanyang partner.

Credit: @hashtag_nikko Instagram

“Totoo pala na aantayin mong maging ready ‘yung tao. Hindi mo pwedeng ipilit,” ani Nikko.

Dadag niya, “Sabi ko naman sa kanya mahal ko siya, may anak tayo, ikaw pa rin naman asawa ko, wala pa nga lang sa papel, wala pa lang basbas, pero antayin mo akong maging ready. Naantay naman niya.”