Hayden Kho, nalampasan ang pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay dahil kay Vicki Belo

Bago nila marating at maranasan ang masayang buhay nila ngayon bilang mag-asawa, humarap muna sa mga matitinding pagsubok at maraming kontrobersya ang celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho.

Sa pinakabagong vlog ng TV host na si Toni Gonzaga, binalikan nina Vicki at Hayden ang ilang mga pagsubok na dumaan sa kanilang relasyon na kalaunan ay nagawa nilang mapagtagumpayan nang magkasama.

Credit: @victoria_belo Instagram

Isa na nga rito ang malaking kontrobersiya na kinasangkutan ni Hayden noong 2009. Matatandaan na naging laman ng kaliwa’t kanag balita noon si Hayden matapos kumalat ang kanyang video sc@ndal.

Dahil nga sa paglabas ng kontrobersyal na video ni Hayden, labis na naapektuhan ang relasyon nila ni Vicki na noong mga panahon na iyon ay nobya niya.

Maliban kay Hayden, isa si Vicki sa mga labis na nas@ktan nang lumabas ang isyu. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, si Vicki ang unang nakaalam na may ganoong video si Hayden kasama ang isang aktres.

Credit: @victoria_belo Instagram

Bago pa man pagpiyestahan ng publiko ang isyu, inamin ni Vicki na naghiwalay na sila ni Hayden matapos niyang malaman na nagtaksil ito sa kanya.

Pag-amin ni Vicki, “You know, what people don’t understand is nalaman ko everything in December, 2008. Parang we went through it together. So December I found out, we broke up…”

Credit: @victoria_belo Instagram

Si Hayden, sa kabilang banda, ikwenento kung paano siya naging biktima ng pangingikil ng taong nagpakalat ng kanyang kontrobersyal na video.

“‘Basta binigyan ko siya ng kailangan niyang gawin para ma-prove sa akin na ‘yon lang copy niya [ng video]. Hindi siya willing to negotiate, so the guy released it on my birthday, May 20,” kwento ni Hayden.

Aminado si Hayden na sobra siyang naapektuhan at natakot nang pumut0k ang isyu.

Credit: @victoria_belo Instagram

Ani Hayden, “Walang words to describe it. It’s a mixture of…definitely there’s a lot of humiliation. There’s a lot of fear and there’s a feeling of desperation, na ‘what am I gonna do to fix this?’ When your dark life is exposed to the light, medyo nakakatakot talaga.”

Habang si Vicki, ibinunyag kung paano niya pinatawad si Hayden.

Credit: @victoria_belo Instagram

Aniya, “I really prayed so hard. I went to the chapel, I prayed. I was like, ‘Mama Mary, if you just make him normal, I won’t leave him.’”

Naging emosyonal naman si Vicki nang ibinahagi ni Hayden na siya ang isa sa mga dahilan at instrumento ng Diyos kung bakit nagawa nitong mapagtagumpayan marahil ang pinakamadilim na sandali sa kanyang buhay.

Credit: @victoria_belo Instagram

Pahayag ni Hayden, “Kung ako lang, on my own, I won’t be able to survive. So I think, my family, Vicki, interestingly, siya ‘yung na-offend ko, siya pa ‘yung ka-help ko doon, and most importantly, people might find this corny, but it’s really God…I experienced God’s love through my wife, Vicki.”