Heart Evangelista at Chiz Escudero, nagkaroon ng “mini honeymoon” sa isla ng Balesin

Muling naghatid ng kilig si Heart Evangelista at ang Sorsogon Governor na si Chiz Escudero sa netizens nang nagkaroon ng “mini honeymoon” sa Balesin.

Credit: @iamhearte Instagram

Isa ngayon sa mga kinikiligang couple sa industriya ng showbiz, hindi kailanman binigo ng mag-asawang Heart at Chiz ang kanilang fans sa bawat bonding sesh nila.

Medyo matagal-tagal na simula nang nagkasama, napagdesisyunan nina Heart at Governor Chiz na magkaroon ng “mini honeymoon” sa lugar na talagang napahamal na sa kanila.

Sabado, October 9 nang nagbahagi si Heart ng vlog sa kanyang YouTube channel kung saan ay mapapanood kung anu-ano ang ginawa nila ni Chiz habang nagbabakasyon sa Balesin.

“So, finally we have time together and we are going to Balesin,” pahayag ni Heart sa unang bahagi ng kanyang vlog.

Credit: @iamhearte Instagram

Nang nakarating sa resort, hinanda ni Heart ang kanyang susuotin na two-piece swimsuit na kulay blue. Matapos magbihis, sinamahan naman ng aktres ang kanyang asawa sa pag-eehersisyo.

Nang oras na para kumain ng lunch, nagpunta ang couple sa Mykonos kung saan ay nakahanda ang paboritong pagkain ni Heart.

Sa pagsapit naman ng gabi, namasyal sina Heart at Chiz sa baybayin kung saan ay tanging flashlight lamang ang kanilang ilaw.

Credit: @iamhearte Instagram

Sa ikalawang araw naman ng kanilang bakasyon sa Balesin, nagkaroon ng treatment sina Heart at Chiz. Bagama’t nasa bakasyon man ay hindi pa rin nakakalimutan ng couple na alagaan ang kanilang sarili.

“Later at 10 o’clock, we are going to Aegle to get some treatments. See? We’re trying to be healthy while we’re vacationing,” ayon kay Heart.

Kuwento ng aktres, matagal-tagal na umano simula nang huli silang nakapagbonding ni Chiz dahil sa kanilang busy na schedules kaya naman nang nagkaroon ng pagkakataon, hindi ito pinalagpas ng couple at nagpunta sa Balesin nang walang ibang kasama.

“It’s really nice to get out actually and I’m very very happy that I’m spending time with my husband. But I really like this because it’s gonna be very very hectic actually,” sabi ni Heart.

Credit: @iamhearte Instagram

Pagbabahagi pa ni Heart, magiging busy umano siya ulit kaya talagang determinado sila ni Chiz na sulitin ang bawat oras na meron sila nang magkasama.

“So, Chiz and I decided to go out of town. Just the two of us because it’s important,” saad ni Heart.

Naglaro rin ng “Never Have I Ever” ang couple kung saan ay pinag-usapan nila ang tungkol sa kanilang relasyon at career.

Credit: @iamhearte Instagram

Bago matapos ang vlog, nagkaroon ng dinner malapit sa beach ang couple kung saan ay kinantahan sila ni Nyoy Volante at nakatanggap naman si Heart ng bouquet galing kay Chiz.