Heart Evangelista at Sorsogon Governor Chiz Escudero, pinakilig ang netizens sa kanilang nakakatuwang photo sho0t!

Nagsilbing personal stylist ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang kanyang napakagandang maybahay na si celebrity influencer Heart Evangelista.

Credit: @iamhearte Instagram

Kamakailan lamang ay sumabak sa isang fun photo shoot ang mag-asawa kung saan ay game nilang ipinakita ang kanilang wacky poses.

Sa isang serye ng mga litrato na ibinahagi ni Heart sa Instagram, magkahawak kamay silang nag-pose ni Chiz suot ang kanilang matching outfits na isang blazer at slacks.

Credit: @iamhearte Instagram

Mas lalo namang kinatuwaan ng maraming netizens sina Heart at Chiz nang ibunyag ni Heart ang kwento sa likod ng kanilang nakakatuwang mga litrato.

Bago lumabas ang kanilang official photos, nagbahagi na si Heart sa kanyang Twitter account ng isang litrato kung saan makikita ang pag-aasikaso niya kay Chiz.

Credit: @iamhearte Instagram

Inamin din ni Heart sa caption ng post na naiinis siya kay Chiz dahil ayaw umano nitong magsuot ng sapatos. Kapansin-pansin nga sa ibinahaging litrato ni Heart na nakasuot lamang si Chiz ng isang pares ng tsinelas.

Credit: @heart021485 Twitter

“As a stylist na napipikon dahil ayaw mag sapatos ng talent ko @SayChiz,” saad pa ni Heart.

Sa isang Instagram post, ibinunyag naman ni Heart na matagal-tagal din bago niya napapayag si Chiz na gawin ang nasabing photosho0t.

“If you only knew how long it took to have him agree to let me shoot and style him. 🤪 Surprisingly, he was super game! Thank you, babe. Here’s to us. 🍸@escuderochz,” ani Heart.

Credit: @heart021485 Twitter

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 700K ang nakuhang likes ng mga litrato nina Heart at Chiz sa Instagram.

Bumuhos din ang komento ng netizens na kinilig sa kanilang mga litrato.

“This is so cute, Senator Chiz looks awesome in every sh0t!”

“This couple have good vibes. I like seeing you very much.”

Credit: @heart021485 Twitter

“Lovely couple and Sen. Chiz is so youthful.”

“Different side of Sen. Chiz! Nice one. This one looks good.”

“I love it. You look so good together. More pics of you both!”

Matatandaang ipinagdiwang nina Heart at Chiz ang kanilang ika-6 na taong wedding anniversary noong nakaraang February 15.

Credit: @iamhearte Instagram

Samantala, inaabangan na ng marami ang upcoming teleserye ni Heart sa Kapuso network na pinamagatang “I Left My Heart in Sorsogon” kasama si Richard Yap at Paolo Contis. Nakatakda itong mapanood sa Kapuso Telebabad ngayong taon.