Heart Evangelista, ibinida ang kanyang mga paboritong designer bag at alahas na hindi biro ang mga presyo!

Isang certified fashionista ang aktres na si Heart Evangelista at sa Pilipinas kabilang siya sa mga itinuturing na fashion influencer.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na mahilig mangolekta ng mga luxury item si Heart mula sa malalaking designer brands sa buong mundo.

Ngunit sa kanyang latest vlog kung saan ipinakita niya ang mga paborito niyang bag at accessory sinabi ni Heart na lahat ng makikita sa kanyang walk-in closet ay mayroong kwento.

Tulad na lamang ng kanyang kauna-unahang Hermes Birkin handbag na ibinigay sa kanya ng kanyang ama noong 23 taong gulang siya matapos silang magkaayos mula sa napakahabang pag-aaway.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Pagbubunyag pa ni Heart, ang bag ay tila isang “bribe” mula sa kanyang ama.

Kwento ni Heart, “We haven’t spoken for a really, really long time and when I finally made peace with my family this was the bag that he gave me. Talking about bribing me to leave my life…He had a really funny way of doing things.”

Ang isa pang paboritong bag ni Heart ay ang kanyang Himalayan Crocodile Birkin handbag na kapag titingnan mo online ay naglalaro ang halaga nito mula 5 milyon hanggang 14 milyong piso!

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Ayon kay Heart, “it took [her] half a lifetime of working” para lamang mabili ang bag ngunit sulit naman daw dahil isa itong “investment piece”.

Bagaman hindi ibinunyag ni Heart ang eksaktong presyo ng bag, nilinaw niya na nabili niya ito sa mas murang halaga.

Sinabi rin ni Heart na pinahahalagahan niya ang bag at inaasahan niyang hindi ito ibebenta ng kanyang mga magiging anak dahil isa itong “heirloom”.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Aniya, “It’s definitely something that I do treasure. Hopefully, my kids don’t end up selling it in the future. Hopefully, they can put it in an acrylic box and just keep it and use it whenever they want. It’s definitely an heirloom.”

Samantala, nagbigay din si Heart ng ilang mga tip para sa mga nais mangolekta ng designer bags.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Payo ni Heart, huwag bumili ng “dupe bag” at mag-ipon na lamang para sa totoong bag.

Aniya, “If you’re just starting to collect bags, it’s nice to take your time. You want each one to have a story.”

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Dagdag niya, “I mean, we all want the bag right now but you really just end up settling, and you wouldn’t want to settle. When it comes to love life, you also don’t want to settle. So, you just have to wait for the right one and you save up for it.”

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Sa huli, ipinakita ni Heart ang kanyang koleksyon ng aksersorya at mga kumikinang na alahas.

Ayon kay Heart, hindi niya itinatago ang kanyang mga “high jewelry collection” sa kanyang bahay kundi sa bangko tulad ng kanyang Cartier jewelry collection.