Heart Evangelista, ibinunyag na inaantay na siya ng kanyang baby boy at baby girl!

Sa ating pagkakakilanlan kay Heart Evangelista bilang isang fashionista at socialite, masasabi talaga natin na hindi lamang siya basta-bastang sumusunod sa kung ano ang uso dahil siya lang naman ang trendsetter dahilan kung bakit marami talaga ang umiidolo at sumusubaybay sa kanyang bawat update.

Credit: @iamhearte Instagram

Hindi lamang kilala si Heart Evangelista bilang isang mahusay na aktres sa lokal na industriya ng showbiz dahil isa rin siyang fashion icon na tinitingala ng kanyang fans sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Maliban sa kanyang rich na taste sa fashion at iba pang talento, punong-puno din ng surprises at revelations si Heart. Sa katunayan, muli na naman niyang ginulat ang lahat sa ibinahagi niyang sh0cking na balita sa kanyang cover story sa L’Officiel Philippines kumakailan lamang.

Pagbabahagi ni Heart, sumailalim umano siya sa !n-v!tro fert!lization o !VF treatment at ginulat ang karamihan nang ibinunyag niyang magiging Mommy na siya sa kanyang baby girl at baby boy.

Credit: @iamhearte Instagram

Of course, katulad ng normal na pregnancy at process sa pagkakaroon ng anak, masakit din ang naging experience ng aktres dahil kinailangan umano niyang sumailalim sa sandamakmak na !njections.

“It was very difficult and pa!nful. I had three !njections a day over a two-week process. After harvesting and the processes that came after, they were able to gather the perfect boy and the perfect girl,” kuwento ni Heart.

Credit: @iamhearte Instagram

Dagdag pa niya, “I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me.”

Sa sh0cking na rebelasyong ito ni Heart, marami sa kanyang fans ang nakaramdam ng magkahalong kasiyahan at excitement dahil sa wakas, matutunghayan na rin ng karamihan ang Mommy phase ng aktres.

Credit: @iamhearte Instagram

Bagama’t taliwas man sa nakasanayan nating lahat ang way ni Heart sa pagkakaroon ng mga anak, marami naman ang masaya at supportive sa desisyon niyang ito. Sa katunayan, hindi na nga halos makapaghintay ang fans ng aktres na makita ang magiging mga chikiting ng Pinay fashion icon.