Heart Evangelista, inilarawan ang kanyang ina na si Cecilia Ongpauco bilang kanyang “biggest role model”

Isang Instagram post ang ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista kasabay sa selebrasyon ng pagpupugay sa kadakilaan ng mga ina o “Mother’s Day”.

Credit: @iamhearte Instagram

Makikita ang isang tila before and after photo nila ng kanyang ina kasama ang kanyang kapatid. Isang lumang larawan na tila throwback photo nilang tatlo kung saan silang magkapatid ay mga musmos pa lamang. Ang isang larawan naman ay kuha sa kasalukuyan ang makikitang kasama sa nasabing IG post.

Kalakip ng mga larawang ito ang caption kung saan ibinahagi ni Heart na ang kanyang Mommy Cecil ang kanyang iniidolo sa kanyang paglaki.

Credit: @iamhearte Instagram

“My mom was my biggest role model growing up. I told myself that I was going to be as loving and graceful as her someday,” caption ni Heart sa nasabing post.

Idinagdag din ng aktres na hinahangaan niya ang pagmamahal at sakripisyong ibinigay ng kanyang ina para sa kanilang pamilya.

Credit: @iamhearte Instagram

Sinabi din ni Heart na isa sa pinagkakasunduan nilang mag-ina at kanilang nagiging bonding ay ang hilig nila sa Skin Care.

“I’m so lucky to have a mom who gives the best beauty advice,” ani Heart.
“Up until this day, my mom still has that amazing youthful glow that I also get to enjoy thanks to her best-kept secrets!” dagdag pa sa caption nito.

Ipinagmamalaki din ng aktres na dahil sa hilig nila sa skin care ay napapanatili nilang mag-ina ang kanilang kagandahan na tila hindi kumukupas at ito ay makikita sa larawang kanyang ibinahagi sa Instagram upang pasalamatan at iparamdam ang pagmamahal sa kanyang ina ngayong mother’s day.

Credit: @iamhearte Instagram

“Happy Mother’s Day, mom! Thank you for all the love, and everything you have taught me. I’m blessed to have you. Love you, mom!” caption sa nasabing IG post.

Makikita ang larawan nilang mag-ina na parang mga modelo sa isang magazine. Tila hindi nga tumatanda ang kanyang Mommy Cecil na aakalain mong magkapatid lamang silang dalawa.

Kaya naman lubos na ipinagmamalaki ni Heart ang kanyang ina na kanyang role model na bukod sa maganda at maalaga sa sarili ay maalaga din at mapagmahal sa kanilang pamilya.