Heart Evangelista, ipinakita ang loob ng kanyang eleganteng condo unit

Sa tuwing naririnig ang pangalan ng nag-iisang si Heart Evangelista, kaakibat nito ang mga salita katulad na lamang ng elegante, classy, at engrande dahil sa kanyang nakakabilib na style at taste mula sa damit, mga gamit, at iba’t-ibang possession.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Isa si Heart Evangelista sa mga kilala at talagang hinahangaan na Pinay aktres at highly-paid na modelo. Marami na rin siyang endorsements mula sa mga classic at sikat na brands kaya hindi lamang nalilimitahan ang kanyang influence dito sa Pilipinas kung hindi ay sa ibang bansa rin.

Of course, hindi naman sikreto para sa karamihan kung gaano ka-sosyal ang aktres dahil mula sa kanyang bags, mga sapatos, mga damit, at iba pa niyang mga pagmamay-ari ay may kamahalan talaga.

Labis din siyang kinabibiliban ng kanyang fans dahil sinisigurado talaga ni Heart na reflection sa kanyang personality ang lahat ng possessions at properties niya katulad na lamang ng kanyang bagong condo sa Ortigas na katatapos lamang i-renovate ng kanyang team.

Sa latest na vlog na ibinahagi ni Heart sa kanyang Youtube channel, ipinasilip niya ang kanyang condo na mula sa entrance hanggang bawat sulok ay nagsusumigaw talaga ng elegance.

Mula sa ceiling hanggang walls, puti talaga ang main na kulay ng kabuuang condo na may perfect na combination ng ibang textures na labis namang ikinasaya ng aktres dahil fit na fit umano ang interior design sa kanyang expectations.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Ayon kay Heart, gusto umano niya na may kaibahan ang kanyang condo sa ordinaryo at mapapansin naman ito mula sa design at style ng mga upuan, lamesa na gawa sa marble, shelves, mirror, mantelpiece, countertop, at iba pa. Nagustuhan din ng aktres ang ceiling dahil kung ikukumpura sa usual na condo units, mas spacious at maliwanag umano ang kanyang bagong property.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Sa loob ng kanyang bagong condo, may sarili ring opisina si Heart. Kung ipagkukumpara sa kanyang bedroom, mas malaki ang space ng kanyang office dahil inaaayon umano ito sa lifestyle ni Heart na maraming interes at collaborations given sa nature ng kanyang trabaho.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Ayon sa interior designer sa bagong condo ni Heart, mahalaga umano para sa isang client na malaman nito ang tunay niyang gusto dahilan kung bakit successful umano ang result ng condo ni Heart dahil sa perpektong collaboration ng kanilang ideas.