Bukas na para sa mga mahilig sa beach at gustong mag-relax sa gitna ng mala-paraisong lugar ang pagmamay-aring resort ng aktres na si Heart Evangelista Escudero sa Boracay.
Credit: @harlanboracay Instagram
Maliban sa pagiging artista, social media influencer, modelo at asawa, isa na rin ngayong resort-owner si Heart.
Kamakailan lamang ay ipinasilip ni Heart sa kanyang Instagram ang kanyang pagmamay-aring resort sa isla ng Boracay.
Credit: @iamhearte Instagram
Sa larawang ibinahagi ni Heart ay makikita ang nakakaengganyong white sand beach at mala-crystal sa linaw na tubig dagat ng Boracay mula sa villa ng kanyang resort.
Binansagan ni Heart na “Little paradise” ang kanyang resort sa boracay na pinangalanan niyang Harlan Beach Villa Boracay.
Credit: @harlanboracay Instagram
Matatagpuan sa Station zero sa Boracay ang napaka-cozy at island-inspired beach villa resort ni Heart kung saan perfect itong lugar para mag-relax at mag-enjoy ang mga bakasyunista.
Sa Instagram page ng resort ay makikita ang ilang letrato ng pasilidad nito. Tila ipininta ang napakagandang tanawin na makikita sa beachfront ng resort ni Heart.
Kaysarap namang mag-relax at magpahinga sa mga nipa hut-inspired villa ng resort. Napapalibutan din ang resort ng mga luntiang palm trees na nakakadagdag sa taglay nitong island vibe.
Credit: @harlanboracay Instagram
Samantala, sa gitna ng mga villa ay matatagpuan ang isang swimming pool na kasing linaw ng dagat ng Boracay.
At para naman sa mga gustong i-level up ang kanilang ‘self-care’ at ‘me time’ pwede silang mag-enjoy sa pagbabasa ng libro o uminom ng wine habang nakalublob sa oblong-shaped bathtub ng mga villa. Pwede ka ring tumambay sa mga sun lounger na matatagpuan sa labas lamang ng mga villa.
Credit: @harlanboracay Instagram
Tiyak na mabibighani ka naman sa tanawin na makikita sa veranda ng mga villa. Mula kasi sa veranda ng mga villa ng resort ay matatanaw mo ang angking ganda ng isla.
Mula sa luntiang mga puno ng niyog, white sand beach hanggang sa napakalinaw na blue beach water.
Pagsisigurado naman ni Heart, “clean, safe, and cozy” ang resort dahil sina-sanitize nila ang mga kwarto at mga pasilidad nito.
Credit: @harlanboracay Instagram
Bukod sa isyu ng kaligtasan ng mga bakasyunista, tiniyak din ni Heart na abot-kaya ang pananatili sa kanyang resort.
Para naman sa mga interesado, bisitahin lamang ang social media page ng resort para sa karagdagang impormasyon.