Heart Evangelista, muling pinatunayan na isa siyang natural na fashionista habang bitbit ang maraming bags ng pinamiling grocery!

Kapag isang natural sa ginagawa, hindi na talaga kinakailangan pa ng effort sa ginagawang mga bagay at isa sa mga perfect na example nito ay ang aktres at tinaguriang fashion icon ng Pinas na si Heart Evangelista na kahit saan man magpunta o kahit anong sitwasyon man ay sinisigurado pa rin niyang bongga at agaw-pansin ang kanyang OOTD!

Credit: @iamhearte Instagram

Bago pa man nadiskubre ng karamihan ang salitang aesthetic, matagal na itong isinasabuhay ng socialite na si Heart Evangelista. Dahil sa kanyang rich na taste sa fashion, mukhang inangkin na niya ang mga salitang classy at stylish dahil mula sa kanyang outfit, mga sapatos at accessories ay perfect lang naman sa bawat occasion na pinupuntahan niya pero hindi lamang sa Pinas nali-limit ang kanyang fans dahil sobrang lakas na rin ng kanyang influence sa ibang bansa dahil sa constant niyang presence sa iba’t-ibang fashion shows at events na hosted ng iilang sikat na brands.

Dahil sa kanyang pagiging fashion icon, marami talaga ang nag-aabang sa bagong updates ni Heart lalo na kapag nasa ibang bansa siya upang dumalo sa isang sikat na event o show dahil tunay nga naman kasing nakakahumaling ang bawat outfit na ibinibida niya.

Credit: @iamhearte Instagram

Habang nasa Milan ngayon at kasalukuyang naghahanda para sa prestihiyong fashion week, abala na talaga si Heart sa pagbida sa kanyang OOTDs dahil kahit na’y nasa kalsada at supermarket man upang mamili ng grocery, sinisigurado talaga niyang on fleek ang kanyang get-up.

Matatandaan kumakailan lamang nang ibinahagi ni Heart sa Twitter ang mga larawan niya kung saan ay makikita siyang nakasuot ng kulay sage na silk suit at tassel-flared na slacks na gawa ni Collini Milano habang naggo-grocery pero hindi lamang dito natatapos ang fashion moments ng aktres dahil muli lang naman siyang nagbahagi ng isang video sa kanyang Instagram stories kung saan ay mapapanood siyang naglalakad bitbit ang iilang bags ng pinamili niyang grocery habang nakasuot ng kulay pulang robe at naka-heels pa!

Credit: @iamhearte Instagram

Nahihirapan man sa pagbibitbit sa pinamili niyang grocery, kahanga-hanga naman ang composure ni Heart kahit na’y muntik nang matapilok sa kanyang heels.

Credit: @iamhearte Instagram

Palagi man na inuuna ang kanyang priorities, food, at needs habang naghihintay sa fashion week, hindi naman pupwedeng basta-basta na lamang lalabas at maglalakad sa streets ng Milan ang nag-iisang Heart Evangelista nang hindi naka-OOTD!