Heart Evangelista, nag-mala action star nang habulin ang kanyang nakawalang alagang aso na si Che Che

Nagmistulang action star ang aktres at fashion influencer na si Heart Evangelista matapos niyang habulin ang kanyang alagang aso na si Che Che.

Credit: Heart Evangelista Instagram   

Si Che Che ay isa sa mga asong kalye na inampon ni Heart at ngayon ay itinuturing na niyang kanyang anak.

Pinatunayan nga ni Heart na isa siyang certified “fur-mom” nang habulin niya ang kanyang aso pagkatapos nitong tumakbo palabas ng kotse.

Sa Instagram account ng isa pang alagang ASPIN ni Heart na si Panda, idinetalye ni Heart ang nangyari noong hinabol niya ang kanyang aso.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Tila hinugot mula sa isang eksena sa pelikula ang paghabol ni Heart sa kanyang alagang aso suot ang kanyang high-heels!

“Eto na ang pinaka epic na kwento- una sa lahat nakakahiya ka cheche ! May balak ka na pala dito sa great escape mo! Pag Bukas ba naman ng pinto tumakbo ka sa daan! Puro car at ang pinili mo talaga lusutan ang ilalim ng truck!!!” kwento ni Heart.

Naloka nga si Heart dahil bagong kulot lamang ang kanyang buhok at may suot pa siyang high heels nang hinabol niya ang kanyang alagang aso.

“Kawawa si mum kakakulot lang ng hair super high heels hinabol ka parang action star!! Pinigil ang truck sa harap at mga car mahabol ka Lang! Buti nalang nakahabol ang driver at guard ! Nakakaloka and eksena kanina Ortigas ave corner santolan!” ani Heart.

Credit: @heart021485 Twitter

Sa isang Twitter post ay ibinahagi naman ni Heart na kamuntikan na siyang lumusot sa isang truck sa paghahabol niya sa kanyang alagang aso.

“Nakakaloka hinabol namin si Che Che sa daan! Muntik ako Lumusot ako sa truck” ani Heart.

Hiling naman ni Heart na walang kumuha ng video sa kanya habang hinahabol ang alaga niyang aso dahil aminado siyang mukha siyang “tanga” habang hinahabol ito.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Ani Heart, “To the man who opened his car door to stop cheche thank YOU! Sana wala naka video dahil mukha [akong] tanga – naka kulot at high heels making pigil the trucks and cars and running after cheche what an afternoon.”

Sa huli, napagtanto ni Heart na mababasa ng kanyang mister na si Sorsogon governor Chiz Escudero ang kanyang post.

Saad ni Heart, “mapapagalitan” umano siya ni Chiz.

Ani Heart, “Great I forgot na sa Twitter din pala asawa ko. Mapapagalitan ako nito.”

Credit: Heart Evangelista Instagram

Nagpasalamat din Heart sa lahat ng mga tumulong sa kanya na habulin si Che Che.

Ani Heart, “To the guards, driver, my hairstylist, all my friends and sister Camille (in high heels din) thank you sa paghabol din. What a scene. thank you lord ok lahat.”

Kamakailan, nag-trending si Heart matapos siyang hirangin ng Forbes France bilang isa sa Top 10 World Luxury Influencers at magkaroon ng digital billboard sa Times Square, New York.