Heart Evangelista, sinagot kung bakit nagustuhan niya si Chiz Escudero kahit malaki ang agwat ng edad nila sa isa’t isa

Kakaiba at asintado talaga pumana si kupido dahil kailanman ay hindi ito nagkamaling pumili ng mga taong magkakahulugan ng loob at paniguradong lagpas pa sa salitang “amazing” ang magiging kuwentong pag-ibig nila.

Credit: @iamhearte Instagram

Classy, elegante, at social ang iilan sa mga salitang maaaring maglarawan kay Heart Evangelista, isa sa mga hinahangaan at talagang sikat na aktres sa industriya ng showbiz ngayon. Maliban sa kanyang kahusayan sa pag-arte, madalas din na kinagigiliwan ng netizens ang kagandahan at elegance ng aktres dahilan kung bakit nahuhumaling sa kanya ang mga kalalakihan ngunit kumpara sa lahat ng naging boyfriend niya, inamin ni Heart na talagang walang makakatalo sa kanyang asawa na si Chiz Escudero.

Sa isang Tiktok video na ibinahagi ni Heart kumakailan lamang, inamin ng aktres na siya ang unang nagkaroon ng crush kay Chiz at ikinuwento sa kanyang followers kung paano na-develop ang akala niyang simpleng interes lamang hanggang tuluyan nga na nahulog ang kanyang loob.

“First and foremost, crush ko na talaga si Chiz ever since 2007 pa. May iba pa akong boyfriend ‘nun,” pag-amin ni Heart.

Una umano niyang nakita si Chiz nang nag-host siya sa pageant na ginanap sa La Union at hindi niya maitangging labis ang paghangang naramdaman ang presensya at confidence nito.

Credit: @iamhearte Instagram

“I saw him at La Union beauty pageant. I was hosting and he was… grabe! When he walked, his presence, and he spoke!” sabi ni Heart habang nagbabalik-tanaw sa “official” na pagkikita nila ni Chiz.

Of course, crush pa lamang ang nararamdaman para kay Chiz, open si Heart sa pakikipag-boyfriend.

Ayon pa sa aktres, binigyan pa umano siya ng kanyang Tita Miriam Defensor Santiago ng listahan ng mga pangalan ng mga lalaking maaari niyang i-date pero hindi niya umano kailanman kinalimutan si Chiz at ang epekto nito sa kanya noong nagkita sila sa La Union.

“Hindi ko siya nakalimutan and I was introduced to him, and in the beginning, parang hindi niya ako bet. He was just being so nonchalant and pa-chill,” sabi ni Heart.

Credit: @iamhearte Instagram

Kuwento pa ng aktres, akala niya magiging magkaibigan lamang sila ni Chiz pero nang mas nakilala pa ito, hindi umano niya mapigilang mahulog.

“He was so dignified, so calm, and he was like an encyclopedia! He was nice, you know. He was so romantic,” kinikilig na pahayag ni Heart.

Hindi talaga nagkakamali ang tadhana sa pagpili ng taong makakatuluyan natin sa habangbuhay. Isa nga sa nagpapatunay nito ay ang couple na si Heart Evangelista at Chiz Escudero na mas tumitibay ang pagmamahalan sa paglipas ng bawat taon.