Heart Evangelista, spotted sa isang billboard sa Times Square, New York City!

Matapos hirangin ng Forbes France bilang isa sa top 10 luxury influencers sa buong mundo, may panibagong achievement na naman na naabot si TV actress Heart Evangelista bilang isang fashion influencer.

Credit: Heart Evangelista Instagram   

Ito ay matapos ma-spottan si Heart sa isang digital billboard na makikita sa Time Square, isa sa mga madalas dayuhin ng mga turista sa New York City sa America.

Sa kanyang digital billboard ay iminodelo ni Heart ang isang purse o bag na gawa ng Filipino brand na naka-base sa New York City na “IA’s Threads”.

Katabi ng digital billboard ni Heart ang mga naglalakihang fashion brand sa buong mundo tulad ng Forever 21 at Ray Ban.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Sa isang Instagram post nitong January 9, proud na ibinahagi ni Heart ang ilang litrato ng kanyang billboard sa Times Square.

Ayon naman kay Heart, hindi pa rin umano siya makapaniwala na naka-display ang kanyang billboard sa Times Square, New York City.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa ang New York City sa mga fashion capital sa buong mundo kaya naman ang magkaroon ng isang billboard dito ay isang achievement para sa isang modelo o fashion influencer.

Credit: Heart Evangelista Instagram

“I still can’t believe that my billboard for @iasthreads is displayed in Times Square in New York!,” pahayag ni Heart sa caption ng kanyang Instagram post.

Nagpapasalamat naman si Heart dahil nabigyan siya ng oportunidad na ibida ang isang “sustainable brand” na nagpapakita ng talento ng mga Pilipino.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Ani Heart, “I’m so grateful for such an incredible opportunity to highlight a sustainable brand that shows the talented craftsmanship of Filipino artisans. God is truly good!”

Samantala, sa isa namang Instagram story ay masayang ibinahagi ni Heart na “sold-out” agad ang Panda Minaudière na kanyang iminodelo sa nasabing billboard. Buhos naman ang pagbati para kay Heart mula sa mga netizen. Komento nila:

Credit: Heart Evangelista Instagram

“You deserve all the amazing blessings coming your way my love! Congratulations again!!! Sobrang sobrang sobrang nakaka proud! Kung nandyan pa ko sa NY nagpa picture talaga ako billlboard na yan!!! Grabeh as in Wow!!! Times Square yan!!!! Love you lots😘”

“So proud and in awe of you! Love you!”

“This is too awesome for words”

“Couldn’t be more proud of you dear! You deserve all the amazing things in life. God will bless you more!”