‘Heart-to-Heart’ na pag-uusap ng mag-amang Jhong Hilario at Baby Sarina, kinaaliwan ng maraming netizens!

Minsan lamang silang maging sanggol o bata, kaya naman ini-enjoy at sinasamantala ngayon ni “Sample King” Jhong Hilario ang pagiging isang tatay sa kanyang bagong silang na anak na si Baby Sarina.

Credit: @jhonghilario Instagram

At isa sa kanilang bonding na mag-ama ay ang mag-usap. Kahit dalawang buwang gulang pa lamang si Baby Sarina ay kinakausap na siya ni Jhong na tila isang bata na nakakaintindi sa mga sinasabi ng matatanda.

Credit: @jhonghilario Instagram

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jhong ang isang maikling video ng isa sa mga pag-uusap nila ni Baby Sarina.

Maririnig sa video na tinatanong ni Jhong si Baby Sarina ng iba’t ibang katanungan kung saan sinasagot naman nito ng “Yeah” o “Yes”. Siyempre, lumalabas na parang daing lamang ang mga tugon ni Baby Sarina sa mga sinasabi ng kanyang Daddy Jhong.

Gayunman, ramdam sa kanilang nakakatuwang pag-uusap ang koneksyon at pagmamahal nila sa isa’t isa. Hindi rin maalis ni Baby Sarina ang kanyang titig sa kanyang tatay at tila lumalabas na talagang naiintindihan niya ang mga sinasabi ni Jhong.

Biro naman ni Jhong, parang dudug0 ang kanyang ulo dahil sinasagot siya ni Baby Sarina.

Credit: @jhonghilario Instagram

“Magkakabl00d cl0t ako kay @sarinahilario kasi sumasagot eh!” ani Jhong sa caption ng nasabing video.

Kinaaliwan naman ng mga netizen ang anila ay ‘heart-to-heart’ talk ni Jhong at ni Baby Sarina. Komento nila;

“Cute cute naman ng princess na yan”

Credit: @jhonghilario Instagram

“So cute…nakakal0ko na si baby”

“Cute baby sarina”

“Heart to heart talk daw minsan! Cute cute naman that baby!”

Credit: @jhonghilario Instagram

Si Baby Sarina ay isinilang ng longtime girlfriend ni Jhong na si Maia Azores noong March 27. Halos isang buwan naman ang makalipas nang inanunsyo ni Jhong ang pag-alis niya sa variety singing competition na “Your Face Sounds Familiar” upang masiguradong l!gtas ang kanyang pamilya at matutukan niya ang paglaki ng kanyang anak.

Credit: @jhonghilario Instagram

Malungkot din na ibinalita ni Jhong sa madlang pipol na pansamantala muna siyang hindi mapapanood sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” dahil pa rin sa parehong dahilan. Tuloy naman ang pagseserbisyo ni Jhong sa bayan bilang konsehal ng unang distrito ng Makati City.