Heaven Peralejo, agaw-pansin ang mga letrato na kinunan habang nagbabakasyon sa Siargao!

Sa kabila ng maulan na panahon, pinainit ni Heaven Peralejo ang isla ng Siargao!

Credit:Β @heavenperalejo Instagram

Isa sa mga kinikilalang maganda at mahusay na aktres sa kanyang henerasyon ngayon, patuloy na pinapahanga ni Heaven ang kanyang fans sa harap o nasa likod man ng kamera.

Madalas na abala sa showbiz, talagang hindi pinapalagpas ni Heaven ang bawat pagkakataon na meron siya upang makapagpahinga at makapagbakasyon. Matatandaan nito lamang nang napagdesisyunan ng 21 taong gulang na aktres na magpunta sa Siargao sa layunin niyang mabigyan ng oras ang sarili.

Bagama’t malayo man ngayon sa showbiz, hindi naman kailanman binigo ni Heaven ang kanyang fans dahil palagi silang updated sa bawat kaganapan ng iniidolong aktres habang pansamantala itong namamalagi sa Siargao.

Madalas na nakikita ang mala-anghel niyang side sa telebisyon, ginulat ni Heaven ang netizens sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram kung saan ay makikita siyang naka-bikini!

Suot ang maroon niyang one-piece suit, kaagad na nabihag ng aktres ang puso ng netizens nang napansin ang napakaganda niyang hubog ng katawan na talagang nadepina sa kanyang suot.

“I can sea clearly now,” sulat ni Heaven sa kanyang caption.

Hindi lamang dito natapos ang pagkahumaling ng netizens dahil nang muling nagbahagi si Heaven ng mga larawan kung saan ay makikita siyang nakasuot ng neon orange at pulang bikini, muli siyang naging laman ng usap-usapan sa publiko.

“Always peaceful in paradise,” pahayag ni Heaven sa kanyang caption kalakip ng larawan niyang nakasuot siya ng neon orange na bikini at “brb” naman sa caption ng kanyang larawan kung saan ay makikita siyang nakasuot ng pulang swimsuit at mukhang kakatapos lamang maligo sa dagat.

Hindi naman napigilan ng netizens na ipahayag ang kanilang papuri sa comment section.

“H0TTIEEE”

Credit:Β @heavenperalejo Instagram

“Woooah!!! πŸ”₯πŸ”₯”

“s3xyyyy naman niyan!❀️‍πŸ”₯😭”

“ANG GANDAAAAA!!😭😭πŸ₯ΊπŸ₯ΊπŸ₯ΊπŸ˜­πŸ’›πŸ’›πŸ’›πŸ’›πŸ’›πŸ’›”

Kumakailan lamang nang nadawit ang kanyang pangalan sa hiwalayan nina Devon Seron at Kiko Estrada na talagang naging dahilan kung bakit nakalimutan niyang alagaan ang sarili.

Pagkatapos naman ng ilang buwan na pagiging in a relationship niya kay Kiko ay ini-reveal kamakailan ni Heaven na single na muli siya at hiwalay na silang dalawa.

Credit:Β @heavenperalejo Instagram

Mapapansin naman sa mga post ni Heaven sa Instagram kung gaano siya kasaya ngayon habang nasa Siargao at nagbabakasyon. Hindi rin nakatakas sa pansin ng netizens ang unti-unting pagbabalik-sigla ng personalidad ng aktres na labis na ikanatuwa ng kanyang fans.