Talaga namang wala nang mas itatamis pa sa tagumpay na makapagtapos ng pag-aaral dahil ang edukasyon ang pinakamataas na karangalan na makakamit sa ating buhay.
Credit: @heavenperalejo Instagram
Isa si Heaven Peralejo sa mga kilala at sikat na aktres sa kanyang henerasyon. Maliban sa kanyang kahusayan sa pag-arte, hindi rin maitatanggi ang angking kagandahan ni Heaven na para bang isa siyang anghel na nahulog mula sa kalangitan.
Dahil sa magandang qualities ni Heaven bilang isang aktres, mismong opportunities na ang lumalapit sa kanya kaya naman marami-rami na rin siyang kinikita at naiipon. Bilang isang matagumpay na celebrity sa edad na 22, hindi na niya kinakailangan pang magsunog ng kilay at makapagtapos sa pag-aaral ngunit talagang nilampasan ni Heaven ang expectations ng karamihan.
Proud na ibinida sa netizens ang kanyang diploma sa kolehiyo kung saan ay nakapagtapos siya ng Business Management sa Southville International School.
Credit: @heavenperalejo Instagram
Abot-langit ang kasiyahang nararamdaman, ibinahagi ng aktres ang magandang balita sa kanyang Instagram account.
“Graduate!!! I honestly never thought magagawa ko,” sulat ni Heaven sa unang bahagi ng kanyang caption.
View this post on Instagram
Ayon pa sa aktres, hindi umano kailanman sumagi sa kanyang isipan na tapusin ang kanyang pag-aaral lalo na’t kumikita na siya ngayon pero nagawa pa rin niya itong posible dahil sa tulong ng mga mahal niya sa buhay at sa mga taong naniwala sa kanya.
Malaki naman ang pasasalamat ni Heaven sa kanyang Mommy Luanne dahil ito umano ang nag-push sa kanya na tapusin ang kanyang edukasyon.
Credit: @heavenperalejo Instagram
“However, my mom kept on reminding me (more on to the nagging side na 🤪) pasok ang litanya ‘Ang pag aartista pweedeng mawala anytimee. Pero kung nakatapos ka pwede mong magamit ito to change career,'” ayon sa aktres.
Credit: @heavenperalejo Instagram
Dagdag pa niya, “Kaya Mom, thank you for all your sacrifices and for imparting different morals and values in me. In times of self-doubt, lagi kang nandyan to remind me of who I am, knowing my capabilities more than I do. With that, I’m forever grateful and indebted to you. ❤️”
Credit: @heavenperalejo Instagram
Sa kabila ng kasikatang tinatamasa ni Heaven ngayon, malaki pa rin ang kanyang pagpapahalaga sa edukasyon. Sa tulong at gabay ng kanyang Mommy at sa mga tao na walang sawa siyang sinusuportahan, nagawa ng aktres na tapusin ang kanyang pag-aaral at na-achieve ang matagal na niyang pinaghirapang diploma.
Congratulations, Heaven!