Herlene Budol, determinadong patunayan ang sarili bilang isang kandidata sa Binibining Pilipinas

Walang makakapigil sa taong determinadong patunayan ang sarili katulad na lamang ni Herlene Budol na kilala sa kanyang matapang na personalidad. Hindi na naman bago pa para sa celebrities na tapunan ng masasakit na salita at criticisms galing sa kanilang bashers pero imbes na magpaapekto, mas naging matatag pa ngayon ang loob ni Herlene na patunayan na kayang-kaya rin niyang makipag-compete sa pageants.

Credit: @herlene_budol Instagram

Hindi talaga tayo binibigo ni Herlene Budol o mas kilala sa pangalan na “Hipon Girl” pagdating sa pagpapamalas ng kanyang talento dahil maliban sa pagpapatawa at pag-arte, mahusay din siya pagdating sa pageants at kumakailan lamang nang kinumpirma ng comedienne na sasali siya sa Binibining Pilipinas sa isang interview kasama si Karen Davila.

Ayon kay Herlene, ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino umano ang nag-encourage sa kanya na sumali sa Binibining Pilipinas upang ma-boost ang kanyang confidence at mas ma-appreciate pa raw niya ang kanyang kagandahan.

Credit: @herlene_budol Instagram

“Minotivate po ako ni Sir Wilbert kasi siya po ‘yung nakakakita daw ng potential ko. Sabi nila, para daw po ma-boost pa ‘yung confidence ko. Maging maganda ako sa paningin ko kasi hindi po ako nagagandahan talaga sa sarili ko,” pahayag ni Herlene.

At dahil malaking pageant ang sasalihan ni Herlene, inamin niyang labis siyang nakakaramdam ng kaba lalo na’t sobrang dami pa niyang kailangang i-improve at paghandaan.

“May kaba po sobra kasi ‘yung utak ko, medyo hindi masyadong pasado sa standard siguro ng Binibining Pilipinas. Pang-barangay lang po ako,” sabi ni Herlene.

Credit: @herlene_budol Instagram

Maaalalang sumali at nanalo si Herlene sa Binibining Angono ng Sining noong taong 2017 pero iginiit pa rin niyang marami pa siyang dapat i-improve lalo na’t gusto niyang patunayan sa kanyang bashers ang kanyang talento at kakayahan sa Binibining Pilipinas.

At dahil contestant na siya ngayon ng Binibining Pilipinas, sinabi ni Herlene na okay pa rin daw na tawagin siyang “Hipon Girl” kahit na’y minsan na siyang nasaktan sa totoong kuwento sa likod ng stage name niya ngayon.

Credit: @herlene_budol Instagram

“Okay pa din kahit anong itawag po nila sa’kin. Wala na akong choice kasi mas madali akong nakikilala dahil sa ‘Hipon’ kaya sila pa mismo ang nagdala sa’yo pataas,” aniya.

Simula nang inanunsyong sasali sa Binibining Pilipinas, matindi ngayon ang paghahanda ni Herlene Budol.