Herlene Budol, may nakakatuwang deal sa kanyang bagong kaibigan sa Bb Pilipinas na si Anna Lakrini

Kakaiba talaga ang impluwensya at vibes ng isang palakaibigang tao dahil kahit saan man siya magpunta, hindi talaga mahirap para sa kanyang magkaroon kaagad ng kaibigan katulad na lamang ni Herlene “Hipon Girl” Budol o mas kilala ngayon sa Binibining Pilipinas bilang si Nicole Budol.

Credit: @herlene_budol Instagram

Simula nang opisyal na inanunsyo ni Herlene “Hipon Girl” Budol na sasali siya sa bigating pageant na Binibining Pilipinas, maraming mga mata ang nakatutok at nakaabang sa kanya ngunit sa kabila ng pressure na dulot nito, nananatiling kalmado lamang si Herlene at dala-dala pa rin niya ang masayahin at magaan niyang personalidad sa mismong pageant kaya naman marami sa netizens at kapwa Binibini ang natutuwa sa kanya. Isa na nga sa mga ito ay si Anna Lakrini na isa sa mga kasama ni Herlene sa Binibining Pilipinas na kalaunan ay naging mabuting kaibigan.

Credit: @herlene_budol Instagram

Sa isang interview kung saan ay napapalibutan ng maraming reporters at journalists si Herlene, ibinahagi niya kung gaano siya ka-comfortable sa bagong pagkakakilanlan ng mga tao sa kanya sa Binibining Pilipinas bilang si Nicole Budol, ang tunay niyang pangalan. At dahil sobrang dami niyang pangalan at palayaw, aminado si Herlene na naninibago siya ‘nung una pero ayon sa kanya, mas naka-focus ngayon kay “Nicole Budol” ang lahat.

Sa parehong interview, nabanggit din ni Herlene na dahil sa kanyang bagong kaibigan na si Anna Lakrini na kapwa niya participant sa pageant, hindi na siya masyadong nahihirapan sa paggamit ng English na language.

Credit: @herlene_budol Instagram

At dahil wala masyadong alam si Anna Lakrini sa lenggwaheng Filipino, tinuturuan siya ni Herlene kapalit ng pagsasanay nito sa kanya ng pag-Iinglis.

“Basta ang usapan po namin, Tagalog siya tapos ako po sa English,” pahayag ni Herlene.

Credit: @herlene_budol Instagram

Upang maipaliwanag ng maayos ang kasunduan nila ni Anna Lakrini, nag-sample ang dalawang Binibini sa harap ng kamera kung saan ay nagsasalita si Herlene ng English habang sumasagot naman si Anna sa Tagalog.

“I told her when we see each other, she speak Tagalog then I will speak English,” pagkukwento pa ni Herlene.

Credit: @herlene_budol Instagram

Nasa kanilang baryo man, nasa harap ng kamera o hindi kaya’y sa stage, talagang nagra-radiate ang positibong vibes ni Herlene kaya naman talagang marami ang na-aatract na makipagkaibigan at makipag-close sa kanya at isa na nga sa kapwa Binibini na kanyang nahalina ay si Anna Lakrini.