Herlene “Hipon” Budol, emosyonal nang ibahagi ang problema niya sa pera mula nang tumigil sa pagho-host

Kabilang ang mga nagtatrabaho sa showbiz sa mga pinaka-apektado ng p@ndemya. Mula kasi nang ipatupad ang l0ckdown, maraming personalidad sa showbiz ang nawalan ng trabaho.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Isa rito si Herlene Budol o mas nakilala ng marami bilang si “Hipon Girl” sa Kapuso TV show na “Wowowin.”

Nitong July 25, sa vlog ni Toni Gonzaga na “Toni Talks,” mangiyak-ngiyak na ibinahagi ni Herlene na “back to zero” sila ng kanyang pamilya pagdating sa usaping pera dahil sa p@ndemya.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Matatandaang bago ang p@ndemya, si Herlene ay bahagi ng “Wowowin” bilang isang regular host, kaya masasabing wala siyang problema sa pera dahil may mapagkukunan naman siya nito. Ngunit simula nang mag-umpisa ang p@ndemya at natigil siya sa pagiging host, nagsimula rin ang kanilang problema sa pera.

Ayon kay Herlene, nawalan siya ng mapagkakakitaan dahil sa p@ndemya. Bukod dito, naubos din ang pinaghirapan niyang ipunin na 100,000 piso.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Kwento ni Herlene, “Buti nga nag-ipon ako, kung hindi wala, pat@y na kami ng pamilya ko dahil sa p@ndemic na ‘to.”

Inamin din ni Herlene na mula nang nawalan siya ng trabaho, naging balisa siya hanggang sa puntong nais na niyang sumuko dahil wala siyang maibigay sa kanyang pamilya.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

“Na-@nxiety ako. Umiiyak ako araw-araw. Dumating ako sa puntong parang ayoko na. Ayoko nang magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako. Back to zero kami,” aniya.

“Walang-wala na talaga. Kahit hanggang ngayon, wala na ulit akong pinagkukunan ng pera talaga…kasi sa akin lahat umaasa talaga ang pamilya ko. Dati pagkain lang, ngayon pati kuryente sa akin na eh,” dagdag pa niya.

Aminado naman si Herlene na naging kampante siyang mayroon pang darating na proyekto sa kanya pagkatapos niyang matigil sa pagho-host na aniya, isa sa mga naging pagkakamali niya.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

“Naging kampante din po ako. Naging parang mali din po ako…Akala ko may pagkukunan pa ako pagkatapos ng Wowowin, wala po talaga.”

Nagpapasalamat naman si Herlene sa kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga na tumulong sa kanya para makapagsimula sa pagba-vlog. Gayunpaman, hindi pa umano niya natatanggap ang sahod niya mula sa pagba-vlog.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Iginiit naman ni Herlene na malaki ang naitulong sa kanya ng social media tulad ng TikTok dahil kumikita siya rito sa pamamagitan ng pag-eendorse ng mga produkto.

Sa lahat naman ng kanyang pinagdaanan dahil sa p@ndemya, napatunayan ni Herlene na hindi panghabambuhay ang pag-aartista.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

“Totoo yung sinasabi, hindi habambuhay yung sa TV ka. Dalawang taon pa lang ako…wala kaagad,” pahayag ni Herlene.

At kung may natutunan naman daw siyang aral mula sa kanyang karanasan ito ay, “Walang permanente sa mundo. ‘Wag kang makampante na merong taong gagabay sa ‘yo. Dapat gumawa ka rin ng sarili mo.”

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Sa huling bahagi ng vlog, sinabi ni Toni na ang lahat ng kikitain ng vlog ay mapupunta kay Herlene.