Herlene “Hipon Girl” Budol, emosyonal nang na-purchase ang kanyang pangarap na sasakyan

Bagama’t sobrang dami man ng problema ang dumaan sa ating buhay, dadating at dadating talaga ang panahon na bibiyayaan tayo ng kasaganahan, isang patunay na hindi sa lahat ng oras ay nalulunod tayo sa kalungkutan.

Credit: Herlene Budol YouTube

Isa si Herlene Budol o mas kilala sa pangalang “Hipon Girl” sa mga taong nakitaan ng potential sa Wowowin kaya naman talagang nagtuloy-tuloy na ang pagdating ng opportunities sa kanya sa industriya ng showbiz.

Of course, hindi naman sikreto na nanggaling sa kahirapan si Herlene pero dahil sa kanyang determinasyon at talento bilang isang comedienne at host, unti-unti na niyang na-aachieve ang lahat ng pangarap niya para sa sarili at sa pamilya.

Credit: Herlene Budol YouTube

Bagama’t marami man ang nag-aakala na secured na ang kinabukasan kapag nasa showbiz na, inamin ni Hipon Girl sa isang interview kasama si Toni Gonzaga noong nakaraang taon na “back to zero” umano siya lalo na’t naging mahirap para sa kanya ang mga panahon na ‘yun pero dahil sa kanyang pagiging positive, unti-unti na ngayong nakaka-recover si Herlene lalo na’t magiging bahagi siya sa pinakaaabangang series ni Xian Lim at Glaiza de Castro na “False Positive”.

Simula nang pinasok ang mundo ng showbiz, priorities at pangangailangan ng pamilya ang inuuna ni Herlene kaya naman ngayong dagsa na ang opportunities at blessings sa kanyang buhay, sa wakas ay na-achieve na rin niya ang pangarap na makabili ng sariling sasakyan!

Sa vlog na ibinahagi niya nito lamang Huwebes, Marso 31, ibinahagi ni Hipon Girl ang kanyang achievement sa buhay at ito ang pag-purchase niya ng kauna-unahan niyang sasakyan na kulay pula.

Credit: Herlene Budol YouTube

“Sa tagal ng pinaghirapan ni Hipon, ngayon pa lang siya magkakaroon ng first own car niya kaya naiiyak siya,” pahayag ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino habang pilit na pinapatahan ang emosyonal na si Herlene.

“Hindi ko kasi ini-expect na magkakaroon ako ng sasakyan eh,” sabi ni Hipon Girl habang umiiyak.

Credit: Herlene Budol YouTube

Ayon sa kanyang manager, simula pa talaga noon ay labis nang kumakayod si Hipon Girl para sa sarili at sa pamilya kaya naman nang nagkaroon nang opportunity na mag-shine sa showbiz, todo ang effort na ibinibigay ni Herlene kaya talagang deserve niya ang achievement na ito.