Herlene “Hipon Girl” Budol, nabiyayaan ng malaking pera mula sa isang YouTube vlogger na si Wilbert Tolentino

Kamakailan lamang ay mangiyak-ngiyak na nagkwento ang komedyanteng si Herlene “Hipon Girl” Budol tungkol sa financial situation niya ngayon.

Credit: Wilbert Tolentino VLOGS YouTube

Sa one-on-one interview ni Toni Gonzaga sa kanya, inamin ni Herlene na “back to zero” sila ng kanyang pamilya ngayon matapos maubos ang kanyang ipon dahil sa p@ndemya.

Lingid sa kaalaman ng lahat, nawalan ng trabaho si Herlene bilang host ng “Wowowin” dahil pa rin sa p@ndemya.

Credit: Wilbert Tolentino VLOGS YouTube

Kaya naman hindi na nakapagtatakang naubos ang naipong P100K ni Herlene dahil bukod sa wala na siyang stable na mapagkukunan ng pera ay sa kanya rin umaasa ang kanyang pamilya.

Pagkatapos namang ikwento ni Herlene ang kanyang nakakalungkot na sitwasyon, marami ang tumulong sa kanya. Isa rito ang sikat na vlogger na si Wilbert Tolentino.

Ngunit bago ibinigay ni Wilbert kay Herlene ang kanyang sorpresa, naglaro muna sila ng “Pera o Kaldero” kung saan isa sa 10 kaldero na pagpipilian ni Herlene ay may lamang P100K.

Credit: Wilbert Tolentino VLOGS YouTube

Matapos ipaliwanag ang mekaniks ng laro, pinapili na ni Wilbert si Herlene ng numero.
Nagkomento naman si Herlene sa awra ni Wilbert dahil para umano itong ang host na si Willie Revillame.

Ani Herlene, “Kuya Wil na Kuya Wil, ah. Parang kilala ko ‘to, ah. Parang nagbibigay ng jacket ‘to.”

“Oo, ‘di lang jacket, 100k. Ohh, ‘di ba?” ani Wilbert.

Number 8 ang piniling kaldero ni Herlene. Swerte umano ang 8 para sa kanya dahil kaarawan ito ng kanyang ama.

Credit: Wilbert Tolentino VLOGS YouTube

“Naniniwala ako sa tatay ko na nandito siya,” ani Herlene.

Sunod-sunod na binuksan ni Wilbert ang mga kalderong hindi pinili ni Herlene. Hanggang sa number 6 at number 8 na lamang ang natira.

Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Herlene dahil puro bokya ang laman ng mga nabuksan nang kaldero. Ibig sabihin malaki ang tsansang nasa 8 ang pera.

At dahil dalawang kaldero na lamang ang natitira, nagsimula na si Wilbert na papiliin si Herlene kung pera ba o kaldero.

Credit: Wilbert Tolentino VLOGS YouTube

“P10,000 o kaldero?” ani Wilbert.

Giit naman ni Herlene, “Kaldero. Kabisado ko na ‘yan. Tataasan mo pa ‘yan,”

Hanggang sa tumaas ang offer ni Wilbert sa mahigit P60,000. Ngunit nanindigan si Herlene at kaldero pa rin ang kanyang pinili.

Credit: Wilbert Tolentino VLOGS YouTube

Kaya naman nang makitang bokya ang laman ng kaldero ay tila nanghina si Herlene. Kaagad din na nagbalik ang saya sa mukha ni Herlene nang sabihin ni Wilbert na bokya man ay matatanggap pa rin niya ang P100K.

Ayon kay Wilbert, tulong na niya ang pera kay Herlene. Matapos tanggapin ang pera, sinabi ni Herlene na gagamitin niya ito para makapagsimula ng negosyo.

Ani Herlene, “Dalawa ang pag-gagamitan ko. Negosyo ko tsaka negosyo ng tatay ko.”

Ikwenento ni Herlene na may planong magtayo ang kanyang ama ng isang tindahan ng feeds. Samantalang siya naman ay magtatayo ng “budol shirt.”