Isa sa mga kinaaaliwan ngayong celebrity doctor sa social media ay ang kilalang dermatologist na si Dra. Vicki Belo.
Credit: @victoria_belo Instagram
Hindi naman talaga magpapahuli si Dra. Vicki sa mga nauusong laro ngayon sa social media. Gaya na lamang ng larong sumikat sa TikTok kung saan ay sasabihin muna ng isang tao ang kanilang hiling pagkatapos ay ihahagis nila sa isang baso o lalagyanan ang isang lapis. Kapag napasok naman ang lapis sa lalagyanan ay matutupad ang kanilang kahilingan.
Sa kanyang kaarawan noong January 25, sumabak nga sa nasabing laro si Dra. Vicki kasama ang kanyang mag-amang sina Doc Hayden Kho at Scarlet Snow.
Sa kanyang Instagram, ipinost ni Dra. Vicki ang kanilang nakatutuwang video na magpamilya kung saan naghatid nga ng good vibes sa maraming netizens ang hiling ni Scarlet sa kanyang mga magulang na magkaroon siya ng baby brother.
Credit: @victoria_belo Instagram
At para siguraduhin na papasok sa lalagyanan ang kanyang lapis ay talagang lumapit pa si Scarlet dito na siyang ikinagulat naman nina Dra. Vicki at Doc Hayden.
Sa huli ay napangiti na lamang sina Dra. Vicki at Doc Hayden dahil sa hiling ni Scarlet. Napuno rin ng good vibes ang video matapos mapa-‘okay’ si Doc Hayden na tila ba tutuparin nga nila ang kahilingan ni Scarlet.
Samantala, ilan sa mga nabanggit na hiling ni Dra. Vicki sa video ay isang “trip to Milan Fashion Week”, “I want daddy to dance for me”, at “a day that Hayden says to me for everything”.
Credit: @victoria_belo Instagram
Bukod naman sa “I want a baby brother”, hiling din ni Scarlet na magkaroon ng alagang kabayo at aso. Habang si Hayden ay gusto ng 2-hour massage, isang mamahaling relo at family trip sa Iceland.
Narito naman ang ilang nakakaaliw na reaksyon ng netizens sa hiling ni Scarlet na bigyan siya ng kapatid.
Credit: @victoria_belo Instagram
“Tawang tawa ako kay Doc Hayden after Scarlet said “I want a baby brother”. hahahaha! Happy birthday Dra. @victoria_belo.More blessings and happiness…”
“I was speechless for a while sa I want a baby brother!!”
“That’s the best birthday wish Scarlet. Happy birthday Dr. Vicky!”
Credit: @victoria_belo Instagram
“OMG! Didn’t expect the ending! nice one scarlet!”