“Hipon Girl” na si Herlene Budol, nagmistulang isang supermodel sa kanyang mga bagong inilabas na letrato!

Marami ang humahanga sa “Wowowin” host na si Herlene “Hipon” Budol dahil sa kabila ng mga panlalait na natatanggap niya mula sa ibang tao, hindi siya nawawalan ng tiwala sa kanyang sarili.

Credit: @herlene_budol Instagram

Si Herlene ay sumikat nang sumali siya sa isang segment ng Wowowin na “Willie of Fortune” at dahil sa kanyang kwelang personalidad at kumpiyansa sa sarili napansin siya ng host ng programa na si Willie Revillame.

Kinuha nga si Herlene ni Willie bilang regular host ng programa at magmula noon ay araw-araw na siyang nagbibigay ng katatawanan sa mga manonood.

Mas lalo ring nabigyan ng kumpiyansa sa sarili si Herlene matapos siyang madiskubre sa programa. At maliban naman sa pagiging host, sumabak na rin sa pag-arte si Herlene sa ilang drama serye ng Kapuso network.

Credit: @herlene_budol Instagram

Kamakailan lamang, muli namang pinag-usapan si Herlene ng marami dahil sa ibinahagi niyang mga h0t at s3xy photos.

Sumabak si Herlene sa isang fashion photo shoot kung saan ay ipinakita niya ang kanyang karisma at hindi maitatangging kagandahan.

Pinusuan nga ng maraming netizens ang mga ibinahaging larawan ni Herlene na tila hinugot pa mula sa isang sikat na fashion magazine.

Nagmistulang isang supermodel si Herlene sa suot niyang long black at red gown. Talagang papasang isang modelo si Herlene dahil bukod sa kanyang seksing katawan ay umaapaw din ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

Credit: @herlene_budol Instagram

Bumuhos naman ang mga komento ng netizens na napa-wow sa kagandahan ni Herlene sa kanyang mga larawan. Komento nila:

“Dyusko ang ganda sis 😍”

“pang Miss Universe 😍”

“Ganda ate hipon❤️”

“buti pa si hipon lagi nlng gorgeous, nasa sau na lahat perfect body and face ikaw na tlga 😍”

Samantala, sa isang artikulo na inilathala ng GMA News ikwenento ni Herlene na naging bansag na ng tao sa kanya ang “Hipon” dahil umano maganda lamang ang kanyang katawan at hindi ang kanyang mukha.

Kung noon ay naaapektuhan pa si Herlene tuwing tinatawag siyang “Hipon” ng ibang tao ngayon ay hindi na siya nasasaktan.

Dahil kasi sa kanyang pagiging “Hipon” ay kumikita si Herlene at napapakain niya ang kanyang pamilya.

Credit: @herlene_budol Instagram

Matatandaan na si Herlene ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya. Estudyante pa lamang ay todo kayod na si Herlene upang matulungan ang kanyang pamilya. Sa katunayan, bago sumali sa Wowowin ay kumakayod na si Herlene bilang isang receptionist sa city hall ng Angono, Rizal.

Ani Herlene, “Noong una may tumatawag sa akin, ‘Hipon!’ ‘Wow, coming from you! Ang kinis mo, ang ganda mo ah!’ Nanggigil pa ako. Ngayon, sige tawagin niyo na akong hipon, okay lang. Kumikita ako sa pagiging hipon ko. Napapakain ko buong pamilya ko dahil sa pagiging hipon ko.”

Isa na ring sikat na vlogger si Herlene at sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 500K subscribers ang kanyang YouTube channel.