Ian Veneracion, enjoy na enjoy sa muling paglipad sa himpapawid sa pamamagitan ng pag-paraglide

Isa sa kinikilalang heartthrob sa industriya ng showbiz si Ian Veneracion mula pa man noong kabataan niya at hanggang ngayon. Bukod sa gwapong mukha, magagandang ngiti, nakakahalinang boses, at magaling sa pag-arte ay sobrang dami rin niyang hobbies at ito ang side ng kanyang pagkatao na hindi alam ng karamihan.

Credit: @ianveneracion1 Instagram

Ayon sa aktor ay hindi niya masabi kung kailan nagsimula ang pagkahumaling niya sa outdoor activities. Mapa-tubig man, earth sports, o air sports, nabubuhayan siya sa thr!ll na dulot ng mga activities na ito.

Noong 2019 kung saan ay nagkaroon siya ng interbyu sa isang programa ay nabanggit niyang isa siyang taong sobrang mahilig sa mga nakakapanindig balahibo at minsa’y extreme activities.

“I’ve always been in touch with the elements…” sabi ng aktor.

Sa kabila ng busy na schedule ay nagagawan pa rin niya ng paraang maglaan ng oras para sumabak sa outdoor activity ayon sa kanyang choice pero simula nang n@gkapandemya kung saan ay naantala at nakansela ang karamihan sa mga projects at shows niya. Ito ay naging oportunidad ni Ian upang mas makapaglaan ng oras at makapagtuon ng pansin sa mga outdoor activities. Kamakailan lamang ay sumasabak siya sa air activity na paragliding.

“Even now, dagat tsaka lahat ng air sports—from flying school, so I went into skydiving, paragliding,” pagbahagi ni Ian noong ininterbyu siya sa isang programa.

Credit: @ianveneracion1 Instagram

Simula May 15 ay makikita sa kanyang Instagram account ang mga video clips at larawan ni Ian habang nagpa-paraglide. Magkakasunod ang kanyang mga posts sa Instagram na tila bang sinusulit niya ang panahon dahil paparating na umano ang “rainy season” na hindi ideal na panahon para mag-paraglide.

“So happy to have played with the wind lately. Rainy season is almost here. I hope to play with you again soon Amihan!!!” sabi ni Ian sa kanyang caption.

Credit: @ianveneracion1 Instagram

Halata naman sa mukha ng aktor na hindi siya baguhan sa ganitong klaseng air sport dahil hindi man lang siya nakitaan ng kahit anong senyales ng kaba at takot. Sa kabila nito ay aware naman siya sa panganib na maaaring mangyari habang nagpa-paraglide pero may mga kasama naman umano siyang mga propesyonal na paragliders dahilan para makampante ang iilang nakatutok sa kanyang mga video sa Instagram.

Dahil sa pagka-adventurous ni Ian ay maraming netizens at pati na ring iilang kasamahan sa industriya ng showbiz ang sumusubaybay sa kanyang mga activities.

Credit: @ianveneracion1 Instagram

“Ang saya nyan!” komento ni Richard Gomez, isa sa mga artistang malapit kay Ian.