“Iba na si Baron”: Baron Geisler, malaki ang pagbabago mula nang maging ama at asawa

Tumatak sa lahat ang pangalang Baron Geisler dahil sa kanyang hindi matatawarang galing sa pag-arte.

Credit: Baron Geisler Instagram      

Bukod sa husay niya sa pag-arte, nakakabit na rin sa pangalan ni Baron ang kanyang ‘badboy’ image dahil sa maraming isyu na kinasangkutan niya noon.

Ngunit kamakailan sa kanyang press conference para sa Viva Artists Agency, sinabi ng aktor na ibang Baron na umano ang makikita ng mga tao.

Credit: Baron Geisler Instagram

Aminado si Baron na malaki ang pagbabago ng kanyang karakter at pananaw sa buhay mula nang magkaroon siya ng kanyang sariling pamilya.

Bahagi ni Baron, “Nag-soften yung character ko. Hindi na ako maangas. Siguro yung angas na ‘yan, ilalabas ko ‘yan kapag kailangan ng pamilya. Ilalabas ko sa pagbanat ng buto at, siyempre, dahil may anak at asawa na ako, ayoko na ng gulo.”

Credit: Baron Geisler Instagram

Kung noon, madalas siyang napapaway, ngayon umano ay iwas away at gulo na siya. Para kay Baron, ang kanyang mga prayoridad sa buhay ay nagbago mula nang malaman niya kung paano maging “compassionate” at sumuko at sumunod sa Diyos.

“Family comes first, remove selfishness. I learned a lot about being compassionate towards other people, hindi lang yung puro what’s in it for me and also to be of service to so many people. With God’s grace, I just obeyed and followed the rules, stayed home, and I just had that total surrender and obedience and it paid off,” ani Baron.

Credit: Baron Geisler Instagram

Gayundin, idinagdag ni Baron na nais niyang ibalik sa Diyos ang lahat ng mga biyaya na natanggap niya dahil palagi umanong dinidinig ng Diyos ang kanyang mga panalangin kahit maraming pangako siyang hindi tinupad.

Credit: Baron Geisler Instagram

Pahayag ni Baron, “I want to give this back to God. God is so good kahit ang dami kong mga pangako na napako. Pero I always pray kasi na kapag talagang wala na ako sa industriya, parang ang feeling ko wala nang kukuha sa akin, I always speak to God na parang, ‘Lord, please give me an opening. Please, just one call, I just need one call to start again.’ And He hears my prayers. And kung may magsasarado man na pintuan, magbubukas naman Siya ng ilan pang mga windows, opportunities.”

Credit: Baron Geisler Instagram

Samantala, makikita pa rin ba ng mga tao ang badboy image ni Baron?

Ayon kay Baron, sa mga pelikula at teleserye na lamang umano makikitang muli ng mga tao ang kanyang badboy image.

Credit: Baron Geisler Instagram

Ani Baron, “I think makikita niyo yan sa mga movies nalang at saka sa teleserye. But siguro it’s not even an image but iba na, iba na si Baron.”

Credit: Baron Geisler Instagram

Dagdag niya, “Iba na rin yung path na tinatahak ko because everyone knows that I am a father and I’m also a husband yun yung pinaka-major role ko, hindi lang for the meantime and that’s forever.”