Maraming haka-haka ngayon ang kumakalat sa social media patungkol sa umano’y panganganak ni TV actress-singer Janella Salvador sa anak nila ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson.

Nag-ugat ang espekulasyon ng maraming netizen na nanganak na nga ang young actress matapos magbahagi ni Markus sa kanyang Instagram story ng mga larawan kung saan ay makikita ang isang kapapanganak pa lang na sanggol at isang babae na natutulog sa hospital.

Kahit binura kaagad ni Markus ang naturang Instagram story ay mabilis naman itong nakuhanan ng screenshot ilang mga netizen.

Sa anggulo ng pagkakakuha sa larawan ng babaeng natutulog ay kapansin-pansin ang pagkakahawig nito kay Janella.

Dahil sa mga lumabas na screenshot ng binurang Instagram story post ni Markus ay hindi na magkamayaw ang netizens sa pagbahagi ng kanilang reaksyon patungkol sa sinasabing panganganak ni Janella.
Maraming netizen ang nagpahayag ng kanilang tuwa at binati ang celebrity couple kung totoo man na mayroon na nga silang anak. Komento ng netizens:

“If that’s the case Congrats Markus and Janella for you’re new blessing”
“Congrats…its a blessing from God that every parents should be proud of…Ung iba nga wala eh gumagastos pa ng milyon magka-anak lang.”

“Baby is a blessing. congrats to you Janella and Markus. Welcome to parenthood life.”
“Maging proud bilang mga magulang mas maganda talaga ang mga edad na ganan e nag kakababy na. Lalot successful naman na sa buhay. Congrats.”

“Congrats pa din Markus and Jea kung totoo man yan!”
Samantala, matatandaang September 12 nang isinapubliko at kinumpirma ng celebrity couple ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanya-kanya nilang Instagram account.
September 18 naman nang lumabas ang balita ng umano’y pagbubuntis ni Janella sa anak nila ni Markus. Kumalat ang balitang buntis si Janella dahil sa artikulong inilathala ng PEP kung saan ay sinabi nilang mayroon umano silang “anonymous” source na nagkumpirma na buntis nga ang aktres at nakatakda itong manganak ngayong buwan.
Mas umugong din ang balitang buntis si Janella dahil sa nasambit nitong mga salita sa Instagram live ni Markus noong September 12. Aniya sa Instagram live, “I almost jumped and that’s not good. I’m not allowed to jump.”

Dahil sa mga salitang ito ni Janella, mas lalong naghinala ang netizens na totoo ngang buntis ang aktres.
Sa ngayon, ay wala pang opisyal na pahayag at kumpirmasyon ang kampo nina Janella at Markus tungkol sa pagbubuntis ng aktres at sa mga kumakalat na larawan na ikinokonekta sa di umano’y panganganak ni Janella.

Kasalukuyan pa rin na nasa United Kingdom sina Janella at Markus kasama ang kani-kanilang mga pamilya.