Ikinasal na ang aktres na si Ina Feleo sa kanyang Italian businessman fiancè na si Giacomo Gervasutti o James Gerva.

Nitong December 1, naganap ang intimate wedding nina Ina at James. Nagpalitan ng kanilang “I do” ang celebrity couple sa Pinto Art Museum sa Antipolo, Rizal.
Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi si Ina ng ilang larawan kuha mula sa kanilang napakagandang kasal. Suot ni Ina ang isang simple ngunit napakagandang wedding dress.

Inihatid naman si Ina ng kanyang ina na si actress-director Laurice Guillen sa kanyang mapapangasawa.
View this post on Instagram
Kitang-kita rin sa mga larawan ang pagiging emosyonal ni Ina habang naglalakad sa aisle kasama ang kanyang ina.

“The most love-filled day of my life,” ganito naman kung ilarawan ni Ina ang araw ng kanilang kasal ni James.
Samantala, sa isang artikulo na inilathala ng Inquirer Bandera, ikwenento ni Ina ang dahilan kung bakit nila napili ni James na maikasal sa Pinto Art Museum. Ayon kay Ina, paborito umano nilang ‘date place’ ni James ang nasabing museum.

Mahilig kasi sina Ina at James sa art kaya naman sobrang nagandahan sila sa nasabing museum. Ani Ina, “Sa Pinto Art Museum namin gagawin kasi ito ‘yung pinaka-favorite namin na date place and we both love art.”
View this post on Instagram
Dagdag niya, “Sobrang ganda kasi talaga for us ‘yung Pinto. Feeling ko, aside from it being a museum with art pieces, the place itself is art.”
Para sa aktres, perpekto rin umano ang napili nilang wedding venue dahil sa malaking espasyo nito ay pwedeng-pwede ang social distancing.
Aniya, “And at the same time, open-air. Siyempre ngayon, mas maganda kung al fresco ‘di ba? And then maluwag ‘yung space so pwede talaga ‘yung social distancing, ganu’n.”

Limang taon nang magkasintahan sina Ina at James. July noong nakaraang taon nang ibahagi ni Ina na engaged na siya sa kanyang longtime boyfriend.
Si Ina ay muling mapapanood simula ngayong December 7 sa Kapuso drama na “Bilangin Ang Bituin Sa Langit”.
Sa mga hindi nakakaalam, si Ina ay anak ng batikang aktor na si Johnny Delgado na namay@pa noong 2009.