Ina ni Bea Alonzo na si Mommy Mary Ann, inamin ang dahilan sa likod ng tunay na pangalan ni Bea na “Phylbert Angelli”

Karaniwan na sa mga artista ang gumamit ng screen name o pagpapalit ng pangalan na sa pananaw ng kanilang manager ay mas naaayon at bagay sa kanila. Kaya naman nakakatuwa din malaman ang mga tunay na pangalan ng ating mga iniidolo kaysa sa ating nakasanayang pagkakakilanlan sa kanila.

Credit: @beaalonzo Instagram

Hindi man batid ng karamihan, hindi inilihim ng kapamilya actress na si Bea Alonzo ang tunay na pangalan na nakatala sa kanyang birth certificate.

Bagamat hindi angkop ang pangalang Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom sa napakagandang mukha ng aktres, may dahilan naman ang kanyang ina na si Mommy Mary Ann kung bakit ito ang ipinangalan sa kanya.

Sa isang vlog na ibinahagi sa YouTube channel ni Bea, sinabi ng aktres na siya ay nakapagbakasyon sa kanilang farm kung saan siya ay lubusang nakapagrelax at nagkaroon ng extra na oras para gumawa ng Q&A video kasama ang kanyang ina.

Credit: @beaalonzo Instagram

Dito sinabi ni Bea na tinawag nila ang kanilang farm na Beatifirma, isang latin word na ang ibig sabihin ay The blessed farm.

Ipinaliwanag niyang tinawag nila itong blessed farm dahil dito nila nakita kung paano pinaghirapan ng kanyang ina na maisaayos ang nasabing farm na nagsimula lamang sa isang talahiban na ngayon ay naging mango plantation na sa dami ng nakatanim na puno.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang aktres na tanungin ang ina kung saan nagmula ang kanyang pangalang Phylbert Angelli.

Credit: @beaalonzo Instagram

“Ano’ng dahilan bakit Phylbert Angelli ang ipinangalan mo sa akin?” tanong ni Bea sa ina.

“Kasi nung ipinanganak kita, uso ang panlalaking pangalan, so pinagdugtong-dugtong ko lang, pangalan ng tatay ko, tapos pangalan ko” paliwanag ni Mommy Mary Ann.

Credit: @beaalonzo Instagram

“At that time, favorite ko si Gelli de Belen, kaya Angelli,” dugtong pa nito.

Kaya doon niya nakuha ang tunay na pangalan ng aktres, mula sa nauusong technique na pagdugtungin ang pangalan upang makabuo ng bago at kakaibang pangalan hanggang sa pagdagdag sa pangalan ng kanyang iniidolong artista na si Gelli de Belen.